top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Senyales na makakatanggap ng magandang balita

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 5, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 5, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Oscar ng Bataan.


Dear Maestra,


Kumusta kayo? Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan, puspos ng pagpapala ng Diyos na Maykapal.


Napanaginipan ko na nasa disyerto ako, tapos may nakita po akong mga usa.


Naglakad-lakad pa ako hanggang dumilim na at naligaw ako dahil hindi ko makita ang daan palabas ng disyerto. Buti na lang, may nabanaagan akong sinag sa dako pa roon at sinundan ko ang sinag hanggang nakalabas na ako sa disyerto.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Oscar


Sa iyo, Oscar,


Ang ibig sabihin ng nasa disyerto ka ay paglalakbay sa malayong lugar, kung saan daranas ka ng mga hadlang sa iyong patutunguhan. Hindi magiging maganda ang biyahe mo.


Ang may nakita kang mga usa ay nagpapahiwatig na masyado kang mahiyain kapag kaharap mo ang babaeng napupusuan mo at hindi mo maipahayag ang nilalaman ng iyong puso. Ang naglakad-lakad ka hanggang sa dumilim at hindi mo makita ang daraanan mo hanggang sa naligaw ka ay nagpapahiwatig na kailangan mong lumapit sa kaibigan mo upang humingi ng tulong. Hindi mo malulutas nang nag-iisa ang problemang kinakaharap mo ngayon. Gayunman, tutulungan ka ng kaibigan mo kung lalapit ka sa kanya.


Samantala, ang may nabanaagan kang sinag sa dako pa roon kaya nakalabas ka ng disyerto ay nangangahulugang makakatanggap ka ng magandang balita mula sa kaibigan mo na nagtatrabaho sa abroad. Malaki ang maitutulong niya sa iyo sa kasalukuyan mong kagipitan sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page