top of page

Senyales na magtatagumpay sa buhay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 6, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 6, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Carol ng Marikina.


Dear Maestra,


Magandang araw sa inyo.


Palagi kong napapanaginipan ang mga kaibigan ko. Madalas din akong managinip ng mga bulaklak.


Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Carol


Sa iyo, Carol,

Depende sa friends mo kung ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo. Kung sila ay masaya sa panaginip mo, ibig sabihin ay magkakaroon ka ng masayang love life. Kung malungkot naman sila at parang maysakit, ito ay nangangahulugan na kailangan nila ng tulong mo at wala silang ibang malalapitan kundi ikaw.

Samantala, depende sa bulaklak ang kahulugan ng panaginip mo. Kung sariwa, mabango, maganda, humahalimuyak at kaakit-akit ang bulaklak, ito ay nangangahulugang magtatagumpay ka sa binabalak mong gawin sa darating na mga araw. Kung ang bulaklak ay lanta, wala nang amoy, tuyot, ang ibig sabihin nito ay hindi matutupad ang minimithi mo sa buhay at mabibigo ka sa iyong mga pangarap.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page