top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Senyales na magiging mayaman ‘pag tanda

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 2, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 2, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dorothy ng Zambales.


Dear Maestra,

Napanaginipan ko nag-aayos ako ng mga unan namin, at pinalitan ko ang mga punda nito. Biglang nag-brownout, namatay ang ilaw at ang dilim sa paligid ko. Buti na lang, may nabanaagan akong sinag galing sa flashlight ng kapitbahay. Maya-maya ay bumalik din ang ilaw.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Dorothy



Sa iyo, Dorothy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-aayos ka ng mga unan at pinalitan mo ang mga punda nito ay magiging mayaman ka pagtanda mo at wala ka nang hihilingin pa.


Masaya, sagana at payapa ang magiging buhay mo sa piling ng mga anak at apo mo.


Samantala, ang ibig sabihin ng biglang nag-brownout, madilim ang paligid pero may nabanaagan kang sinag galing sa flashlight ng kapitbahay mo ay kailangan mo ang tulong ng iyong mga kaibigan para sa kalutasan ng problemang dinaranas mo sa

kasalukuyan.


Ang ilan saglit pa, nagka-ilaw na rin ay nangangahulugang may matatanggap kang magandang balita sa susunod na mga araw galing sa relative mo na nagtatrabaho sa abroad.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page