Senyales na giginhawa at liligaya habambuhay
- BULGAR
- Apr 29, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 29, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Vilma ng Montalban.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyong lahat.
Napanaginipan ko na one year death anniversary ng father ko, ngunit patuloy pa rin kaming nagluluksa sa pagkamatay niya.
Dumating ang nanay ko nang araw na ‘yun at nagkuwentuhan kami tungkol sa mga kabutihang ginawa ng father ko noong nabubuhay pa siya.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Vilma
Sa iyo, Vilma,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagluluksa pa rin kayo kahit isang taon na ang nakalipas nang mamatay ang father mo ay paparating na ang magagandang bagay sa buhay niyo.
Kasaganaan, kalusugan, at kapayapaan — lahat ng ‘yan ay daranasin niyo.
Ang dumating ang nanay mo at nagkuwentuhan kayo tungkol sa magagandang bagay na ginawa ng tatay mo noong nabubuhay pa siya ay nangangahulugang nakakagulat na grasya ang nakatakdang dumating sa inyo. Kaginhawahan, kaligayahan ang mararanasan niyo sa mahabang panahon.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments