top of page
Search
  • BULGAR

Senyales na ‘di na makakaranas ng mabibigat na problema

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 30, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joy ng Baguio.


Dear Maestra,


Isang mapagpala araw sa inyo r’yan sa Bulgar.


Napanaginipan ko na umakyat ako ng bundok hanggang sa marating ko ang tuktok nang biglang nagliwanag, nakakasilaw ang liwanag. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa langit na.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Joy


Sa iyo, Joy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na umakyat ka ng bundok hanggang samarating mo ang tuktok, ay makakamit mo ang tagumpay kaya lang ay dadaan ka muna sa mga pagsubok na para bang umaakyat ng hagdan. Magsisimula ka muna sa unang baytang pataas.


Samantala, ang may nakita kang nakakasilaw na liwanag hanggang natagpuan mo ang iyong sarili sa langit, ay nangangahulugang ang buhay mo ay magiging masaya sa dakong huli. Wala ka nang daranasing mabibigat na problema. Mamumuhay ka ng payapa, panatag, sagana at ligtas sa anumang kalbaryo ng iyong buhay.


Matapat na suamasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page