top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Seniors Tyson vs. Jones, may exhibition match

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 25, 2020
  • 1 min read

ni MC - @Sports | July 25, 2020




Tingnan n’yo nga naman ang mga lolo nating dating mga sikat na boksingero noong dekada ’80, malalakas pa raw at mala-kalabaw pa sumuntok sa ibabaw ng ring ay may niluluto pang exhibition match alang-alang sa mga sugarol.


Inaabangan na raw ng kanilang mga fans ang muling pag-akyat sa ring ni dating undisputed heavyweight champion Mike ‘Ironman’ Tyson matapos nitong ianunsiyo na makasasagupa niya ang mataktika rin at malakas na si dating heavyweight champion Roy Jones, Jr. sa California.


Ayon sa ulat, magsasalpukan ang dalawa sa 8th round exhibition fight sa Setyembre 12 sa California sanction ng California State Athletic Commission kung saan sinasabing paboritong magwagi si Tyson.


Para sa mga sugarol sa Las Vegas, pabor sila na tayaan si Tyson kumpara kay Jones.

Sa betting odds ng My Bookie, may -300 si Tyson, kung saan ang taya mong $300 ay tatama ng $100 habang si Jones ay may +200 betting odds, kung saan ang taya na $100 ay tatama ng $200. Mapapanood nga lang ang laban sa pay-per-view o PPV sa mga social media platform at magtatanghal din sina Pitbull, Lil Wayne, Snoop at iba pa.


Ito na marahil ang sinasabing pagbabalik laban ng 54- anyos na si Tyson dahil ilang beses itong nagpapakitang-gilas sa kanyang mga pagsasanay sa social media maging ang pagsabak niya sa Japan ng mga nakaraang taon.


Nagretiro noon si Tyson, hawak ang 50 panalo at 6 na talo habang ang 51-anyos na si Jones ay may 66 na panalo at 9 na talo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page