top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Senator-judge, tablado sa Sandiganbayan... Jinggoy, bawal sa impeachment trial ni Sara

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | July 11, 2026



Jinggoy Estrada sa BJMP - Circulated

Photo: Circulated



Ibinasura ng Sandiganbayan Fifth Division ang mosyon ni Sen. Jinggoy Estrada na humihiling na pansamantalang makalabas ng kustodiya upang makadalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte bilang senator-judge.


Sa resolusyong may petsang Hulyo 9, sinabi ng anti-graft court na walang sapat na batayan upang payagan ang kanyang kahilingan na inihain noong Hunyo 29.


Iginiit ni Estrada na mahalaga ang kanyang presensya dahil kailangan ang boto ng ⅓ o 16 sa 24 senador upang mahatulan ang isang impeachable official.


Gayunman, binigyang-diin ng korte na ang impeachment trial ay nakatakdang isagawa nang tatlong beses kada linggo sa loob ng 92 trial days o halos 31 linggo, kaya hindi ito maituturing na emergency na magbibigay-katwiran sa kanyang pansamantalang paglabas.


Nahaharap si Estrada sa kasong plunder na walang piyansa kaugnay ng umano’y illegal budget insertions at project allocations sa DPWH na nagkakahalaga ng P573 milyon para sa fiscal year 2025.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page