Senate shooting, ‘tago-CCTV,’ pag-alis ni Bato... Robin at Jinggoy, tatalupan — Ombudsman
- BULGAR

- 16 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | May 16, 2026

Photo: File / Jinggoy Estrada at Robin Padilla - FB
Kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na kanilang iimbestigahan si Senador Robin Padilla kaugnay ng pag-alis ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado matapos ang insidente ng pamamaril nitong May 13.
Kasama rin sa iimbestigahan ang naging pahayag ni Senator Jinggoy Estrada na, “Itago n’yo ‘yung CCTV” habang naka-social media live.
Ayon kay Remulla, sisiyasatin ng Office of the Ombudsman ang lahat ng panig upang mabuo ang kabuuang larawan ng naturang insidente.
Kabilang sa tatalupan ang National Bureau of Investigation, Office of the Senate Sergeant-at-Arms, at mga pulis na nagtungo sa lugar upang matukoy ang tunay na nangyari mula sa perspektibo ng gobyerno.
Una nang nilinaw ni Sen. Estrada na ang tinutukoy umano niya sa kanyang pahayag ay ang pag-secure o pagpreserba ng CCTV footage dahil maaari itong magsilbing mahalagang ebidensya sa imbestigasyon ng pamamaril sa Senado.





Comments