Senate court, kailangang humanap ng paraan... Pagdalo namin ni Jinggoy sa trial ni VP Sara, legal — Marcoleta
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 29, 2026

Photo: File / Circulated
Nanawagan si Senador Rodante Marcoleta sa kanyang mga kapwa senador na humanap ng legal na paraan upang makalahok sila ni Sen. Jinggoy Estrada sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Marcoleta na naghain siya ng manifestation sa Senado upang ipaliwanag ang legal na batayan kung bakit dapat pa rin silang makalahok sa paglilitis.
Aniya, bagama’t nakakulong at nahaharap sa kasong plunder, nananatili pa rin siyang isa sa 24 na senador na may kapangyarihang bumoto kung hahatulan o mapapawalang-sala si Duterte.





Comments