top of page

Senado, pasok sa kaso ni Camilon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 2, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 2, 2024




Inihirit ng isang senador na pasukin na ng Senado ang pag-iimbestiga sa nangyaring pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon sa Batangas City.


Naghain si Sen. Raffy Tulfo ng Senate Resolution 913 kung saan nakasaad na nais niyang tingnan ang pagkakakaladkad ng mga pulis sa ilang mga krimen.


Saad ni Tulfo, "The involvement of police officers in heinous crimes been increasing in the past months and there is a need to review the screening process of police officers as well as the retention of officers in active duty."


Matatandaang pangunahing suspek sa pagkawala ng beauty queen ang kamakailan lang na nasibak sa puwesto na si Police Major Allan de Castro.


Umamin si de Castro sa naging relasyon nila ni Camilon na naging dahilan ng pagkakaalis niya sa serbisyo ngunit mariin naman ang naging pagtanggi ni de Castro na may kinalaman siya sa pagkawala nito.


Saad ni Tulfo, nais niyang suriin ang kaso ng beauty queen upang makamit na ng pamilya ni Camilon ang hustisya.


Kasalukuyan namang nagsasagawa ng preliminary investigation ang piskalya sa Batangas City kaugnay sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention na inihain laban kay de Castro at sa tatlo pang sinasabing kasabwat nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page