top of page

Sen. Tito, may kabit daw… PBBM, HINAMON NI ANJO NA MAGPA-DRUG TEST

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 5 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 9, 2025



BULGARY - PBBM, HINAMON NI ANJO NA MAGPA-DRUG TEST_FB Bongbong Marcos & Anjo Yllana Live

Photo: FB Bongbong Marcos & Anjo Yllana Live



Nag-iisip si Anjo Yllana kung tatakbo ba siya sa pagka-senador sa susunod na eleksiyon. 


Kamakailan, may natanggap siyang challenges na magsalita ng kanyang nalalaman tungkol kay Presidente Bongbong Marcos at Senate Pres. Tito Sotto.


Si Sotto ay hinamon ni Anjo na magpakita ng pruweba na ang mga idino-donate nga niya sa mga scholars ay galing sa sinasahod niya bilang senador, or else he will expose his alleged ‘mistress’ na nangyari noong 2013.


Si Tito Sotto ay kasal sa veteran actress na si Helen Gamboa kung saan may apat silang anak. 


Aside from challenging Senate Pres. Tito Sotto, Anjo Yllana also criticized Pres. Bongbong Marcos. 


Ayon sa kanya, aware ang publiko sa “deformed facial expression” ng pangulo. Hinamon niya si PBBM na sumailalim sa hair follicle drug test.


Tikom naman ang bibig ni PBBM sa tinuran ni Anjo. Dinepensahan ng Malacañang ang Presidente, at sino raw ba si Anjo para mag-demand dito? 


Ayon kay Palace press officer Undersecretary Claire Castro, hindi papansinin ni Marcos, Jr. ang hamon ni Anjo.


Ayon pa kay Claire, may posibilidad daw na pasukin ni Anjo ang pulitika kaya ito nag-iingay ngayon.


Ayon naman sa aktor, pinag-iisipan niya kung tatakbo sa Senado.

“‘Yung followers ko, pinapatakbo akong senador para meron daw silang boses sa Senado. Mga mahihirap na tao ito,” lahad ng aktor.


“‘Yung iba nga, vice-president, ‘yung iba president. Pero hindi ko naman sineseryoso ‘yun. Pero ‘yung pagka-senador, pinag-iisipan ko dahil ngayon, maraming magnanakaw ang nakaupo. ‘Pag nanalo akong senador, mababawasan ng isang magnanakaw. Madaragdagan ngayon ng isang honest na senador kung sakaling manalo ako,” sambit pa ng aktor.



NAGLULUKSA ang mag-inang Lotlot de Leon at Janine Gutierrez sa pagkamatay ng kanilang Yaya Pat. Malungkot ang pamilya dahil matagal na nila itong kasambahay na halos nagpalaki sa mga anak ng aktres, lalo na kay Janine. Bagama’t hindi nila kadugo, itinuring nila itong bahagi ng pamilya.


“Ilang buwan pa lang ang nakakalipas mula nang mawalan kami ng mga mahal sa buhay. Ngayon, isa na namang malapit sa amin ang namaalam,” lahad ni Lotlot.

Aniya pa, “Almost 40 years nang naging bahagi ng pamilya namin si Yaya Pat. Una n’yang inalagaan si Ken, ang bunsong kapatid ko.”


Kuwento pa ni Lotlot, ang kapatid ni Yaya Pat na si Ate Amy, na siyang naging pinakamatagal na personal assistant ng kanyang ina na si Nora Aunor, ang nagrekomenda kay Yaya Pat.


“‘Yung kapatid n’ya, si Ate Amy who worked for Mommy for more than 20 years (and was her longest personal assistant) ang nagrekomenda kay Yaya Pat na tumulong sa pag-aalaga kay Ken noong bagong panganak pa lang s’ya. Later on, she transferred to me, right before I gave birth to Janine,” kuwento pa ni Lotlot.


“Buong puso n’yang minahal at inalagaan ang bawat isa sa amin, lalo na ang mga anak namin. Sa totoo lang, hindi ko akalain na magtiwala sa iba sa mga anak ko gaya ng pagtitiwala ko sa kanya,” wika pa ng aktres.


“Kami ay magpapasalamat magpakailanman para sa kanyang katapatan, kabaitan, at ang walang pasubaling pagmamahal na ibinigay niya sa aming pamilya sa mga nakaraang taon.

She will always be part of our family and her family, ours forever. 

“Ya, salamat sa pagmamahal mo sa mga anak namin ni Mon. Rest now, Ya, mahal ka naming lahat,” ang madamdaming mensahe pa ni Lotlot.


Maging si Janine Gutierrez ay nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanilang yaya. 

Sa kanyang Instagram (IG) story, ibinahagi niya ang mga larawan nila together bilang pagbibigay-pugay sa inilaan nitong serbisyo at pagmamahal sa kanila.



Binabatikos ngayon ang direktor na si Jerrold Tarog at ang aktor na si Jericho Rosales ng apo ng dating Pangulong Manuel L. Quezon na si Ricky Quezon-Avanceña.

Sa isang special screening ng movie ni Echo ay nagkaroon ng Q&A para sa ikatlong pelikula ng Bayaniverse trilogy na Quezon.


Isa sa mga naroroon ay ang apo ng dating presidente na si Ricky.

Tanong ng apo, “Was it a political satire?”

“Oo,” pagkumpirma ni Tarog.


Sinundan ito ni Avanceña ng, “So nagbibiro ka lang pala?” na agad namang nilinaw ng direktor.


Sagot ni Direk Jerrold, “Hindi, seryoso ang paksa.”


Giit pa ni Tarog, “Ipapaubaya namin sa madla ang pagpapasya kung ito ay isang bagay na gusto nilang iproseso.”


Biglang sabi ng apo ng dating presidente, “Sinalaula ninyo ang alaala ng aking lolo.”

Hindi na napigilan ni Jericho na makialam. Sinabi ng aktor na payagan ang iba pang miyembro ng audience na magtanong, pero humingi ng mas mahabang panahon si Avanceña para sabihin ang kanyang pagtutol.


“Teka lang, Echo, hindi pa ako tapos, eh,” pagpupumilit ni Ricky.


“With all due respect, Sir, I understand your feelings but this is a Q&A for everyone. We are giving everyone a chance because everyone—,” agad na pagputol ni Jericho sa sinasabi ni Ricky Avanceña.


Sabat ni Ricky, “Hoy, Pare! Pakinggan mo ako.”

Sinubukan pa ni Echo na magpaliwanag.


Aniya, “We’re gonna listen to you but there is a space and time.”

Pagsingit uli ni Ricky, “Uy! Jericho, ‘wag mo ‘kong ganyanin, ah. Umupo ka, patapusin mo ako. One minute, I’m done.”


Sinubukan ng production team na bawasan ang tensiyon at tinanong ang iba pang audience kung meron silang ibang mga katanungan. 


Kasunod nito, iginiit pa rin ni Avanceña na binuksan ng pelikula ang ‘Pandora’s box’ kaya hayaan siyang magsalita at saka binatikos ang produksiyon sa pagsira sa alaala ni Quezon.


Bago tapusin ang kanyang pahayag, sinabi ni Avanceña na sinisiraan ng mga filmmakers at ng mga miyembro ng cast ang kanilang pamilya para sa komersiyal na pakinabang.


Wika nito, “Hindi ninyo alam ang ginawa n’yo. Dahil kayo, gusto ninyong kumita ng pera. Gusto ninyong sumikat. Sinalaula ninyo ang alaala ng isang pamilyang nagbuwis ng buhay. Mahiya kayo!”


Kalaunan, sa social media, nilinaw ni Avanceña na hindi niya hinihimok ang mga tao na iwasan ang pelikula ngunit nanawagan sa publiko na panoorin ito at samahan siya sa pagtatanggol sa karangalan ng kanyang lolo online. 


Binigyang-diin niya na ang dating Pangulong Manuel L. Quezon ay hindi lamang isang bayani kundi ‘the best ever most incorruptible’ president.


Naku po! Sana hindi na bumangon pa si dating Presidente Quezon sa kanyang

kinahihimlayan dahil sa gusot na nangyari sa kanyang biofilm.

In fairness naman sa aktor na si Jericho Rosales, ang galing niya bilang si Quezon sa movie.



NAGSALITA na si Gabbi Garcia hinggil sa pambu-bully online.

Aniya, “Throwing hate, bullying, trolling, and bashing online can cause a deep and lasting toll on a person. This will NEVER be okay.”


Hindi raw ito normal at hindi dapat i-tolerate. 

“Many people are already silently struggling with personal battles we don’t see,” aniya.


Idiniin din niya na imposibleng malaman ang tunay na emosyonal na kalagayan ng isang tao sa likod ng screen.


Ayon pa sa aktres, malaki ang nagiging damage sa mental health ng mga tao ng cyberbullying.


“The effects on mental health are real — anxiety, depression, self-doubt, and sometimes even irreversible decisions,” wika niya.


“It’s time to break this cycle of hate,” patuloy ng aktres na hinihikayat ang lahat na itigil ang pagpapalaganap ng negativity.


Ginamit niya ang kanyang social media platform for kindness, not division.

“Imagine if we used these platforms not to tear each other down, but to lift each other up, with compassion, empathy, and understanding…” pakli pa niya.


Maraming artista ang nagpahayag ng mga ganitong sentimyento nang dahil sa pagkamatay ng anak na babae ni Kuya Kim Atienza na si Emman. 


Winakasan niya ang sariling buhay dahil na rin sa matinding bashing na naranasan niya mula sa mga netizens, especially sa mga DDS (diehard Duterte supporters) kung saan nakatanggap siya mula sa mga ito ng death threats nang dahil sa political stance niya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page