top of page

SEN. ROBIN, P150 ANG HIRIT NA DAGDAG-SUWELDO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 3, 2025



Photo: Robin Padilla - FB


Sampal sa mga bashers ni Senador Robin Padilla ang mga top priority bills niya para sa 20th Congress. Mga panukalang batas na layuning magbigay-katarungan, pag-asa at respeto para sa lahat.


Para sa mas pantay na lipunan, mas maayos na kabuhayan, at gobyernong may malasakit sa bawat Pilipino, kabilang sa mga pangunahing panukala ni Sen. Robin ang pag-amyenda sa Indigenous Peoples Rights Act, pagkakaroon ng unified halal certification, pagtatayo ng Muslim prayer rooms, P150 dagdag sa daily minimum wage, at ang pagbuwag sa travel tax.


Kasama rin dito ang pagsasabatas ng medical cannabis, dissolution of marriage, pag-amyenda sa Early Years Act, pagtatayo ng nursing homes para sa mga senior citizens, at ang panukalang anti-political dynasty.

Maisakatuparan kaya? Abangan…


Naging sentimental ang batikang aktor na si Aga Muhlach nang magbahagi ng mensahe para sa nag-iisang anak na babae na si Atasha Muhlach na ngayon ay isa na ring magaling na aktres at TV host ng Eat…Bulaga! (EB!).


Kamakailan lang ay ipinalabas ng Viva One ang official trailer ng Bad Genius: The Series (BGTS). Marami ang humanga sa galing sa pag-arte ni Atasha, at hindi na rin naman nagtaka si yours truly dahil nasa lahi na nito ang mga magagaling na artista tulad ng lola niyang si Amalia Fuentes (RIP), Niño Muhlach na tito niya, at ang mga magulang niya na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.


Sa Instagram (IG) post ni Aga ay nagbahagi siya ng video clips na nagpapakita ng husay sa pag-arte ng kanyang one and only daughter at may caption na: “To my one and only daughter, I can’t believe that you are now in your 1st acting job.


“Can’t help but be a little sentimental. I know all the hard work you have poured in from the day you started in Eat…Bulaga! with all your dance prods and doing a daily show ain’t no joke. But you did it.


“And that’s because you really wanted to. Take a bow. Sa Dabarkads, maraming salamat for the love you’ve shown my daughter.


“Yes, she’s very special to me (I’m sure all the dads out there, moms too, of course, will understand what I’m trying to point out). Ngayon naman here you are on your latest project and let me tell you @atashamuhlach_ how proud I am of you! You know that! Eto lang... Basta just keep giving your all in every project you do.


“Magaling ka man o hindi, magustuhan nila o hindi, okey lang ‘yan as long as you know in your heart you gave it your all. Like what I always say... just do good work and be kind to all the people you work with lalo na to all your supporters! Mahaba pa ang lalakbayin mo at ni Andres @aagupy - but what’s important is you’re both in and working already. Proud of you both.


“Good luck and kapit lang. It can get rough. But God’s got your backs. Have fun! Congratulations!!! Your proud dad here.”


Marami namang netizens ang nag-comment at pinusuan ang mensahe ni Aga at isa na nga rito ang multi-awarded actress na si Sylvia Sanchez.

Sey ni Sylvia, “Nakaka-proud mga anak mo @agamuhlach317.”

Job well done, Atasha, and congratulations!



SAMANTALA, kinilala ang mga programang MathDali Grade 1 (MG1) at Wow Bukidnon (WB) ng Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) sa 28th KBP Golden Dove Awards ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).


Itinanghal na Best Children’s Program ang MGI, habang pinangalanang Best Culture and Arts Program naman ang WB.


Nagpasalamat si KCFI President at Executive Director Rina Lopez sa natanggap na pagkilala at muling iginiit ang layunin ng foundation na palakasin ang epektibo at makabuluhang mga programang ginagawa nila para sa kabataang Pilipino.


Hatid ng MG1 ni Kapamilya host Robi Domingo ang mas pinasayang pag-aaral ng Math ng mga chikiting.


Katuwang ang BDO Foundation at Huawei Philippines, naglabas ang Knowledge Channel ng karagdagang 10 episodes na layuning tulungan ang mga mag-aaral sa Grade 1 na mas maintindihan ang mga aralin at konsepto sa Math.

‘Yun lang and I thank you.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page