top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Sen. Robin, dapat stop na sa pagsusulong ng chacha dahil ire-reject lang ni P-BBM

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Pebrero 16, 2023


IMBES NA IPRAYORIDAD NG SC ANG PUBLIC INTEREST NA BGY ELECTIONS, INUNA PA ANG INTERES NG MAG-AMONG ENRILE AT REYES— May kinalaman sa public interest ang inihaing petisyon ni Atty. Romy Macalintal na dapat ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections dahil majority ng mamamayan ay gustong idaos nang mas maaga ang halalang pambarangay kaysa sa nais ng mga senador, kongresista at ni Pangulong Bongbong Marcos na isagawa ang barangay elections sa Oktubre 30, 2023.


Ang masaklap, imbes na iprayoridad ng SC ang public interest tungkol sa barangay at SK election, ang ipinrayoridad ay ang interest ng mag-among former senator, Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile at pork barrel scammer na Gigi Reyes, dahil si Enrile ay inabsuwelto ng SC sa kasong graft na may kinalaman sa coco levy fund scam, at si Reyes ay pinalaya ng SC kahit plunder case ang kinasasangkutan nitong kaso. Buset!


◘◘◘


DAPAT LUBAYAN NA NI SEN. ROBIN ANG CHACHA DAHIL IRE-REJECT LANG ‘YAN NI PBBM—Sabi ni Pangulong Bongbong Marcos (P-BBM), hindi niya prayoridad ang isinusulong na Charter Change (Chacha) o pagbabago sa Saligang Batas ng Pilipinas.


Dahil mismong presidente na ang nagsabi niyan, dapat ay lubayan na ni Sen. Robin Padilla ang pagsusulong ng Chacha dahil nag-aaksaya lang siya ng oras at panahon.


Kahit pumasa pa ‘yan sa Senado at Kongreso, pagdating sa Malacañang ng panukalang ‘yan ay ibi-veto o ire-reject lang ni P-BBM, period!


◘◘◘


NGAYONG NABULGAR ANG RAKET NI ‘MRS. SIBUYAS’, KAKAYNIN BA NG GOBYERNO NA IPAKULONG SIYA?—Sa pagdinig sa Kongreso, ibinulgar ni Israel Reguyal, chairman ng Bonena Multi-Purpose Farmers Cooperative na kaya nagmahal ang presyo ng sibuyas sa bansa ay dahil sa raket ni agri-smuggler na si ‘Leah Cruz’ na pinapakyaw ang aning sibuyas ng mga magsasaka at saka ito iho-hoard para kapusin ng supply ang Pilipinas.


Kapag nangyari ito, maoobliga ang Department of Agriculture (DA) na payagan silang mag-import ng sibuyas at kapag nakapag-import naman, iho-hoard ulit ito at pakonti-konti lang ang ibabagsak sa merkado sa mahal na presyo.


Ngayong alam na ng Kongreso ang raket ni ‘Leah Cruz,’ na kilala rin sa bansag na ‘Mrs. Sibuyas,’ tingnan natin kung ba ng gobyerno na sampahan ito ng kasong economic sabotage para makulong? Abangan!


◘◘◘


DAPAT HUBARAN NG MASKARA ANG MGA KASABWAT NI ‘MRS. SIBUYAS’ SA DA AT CUSTOMS—Matagal na ang ganitong uri ng raket ni ‘Leah Cruz’ na nag-umpisa sa panahon ni former Pres. Noynoy Aquino, nagpatuloy sa panahon ni former Pres. Digong Duterte, at nagpapatuloy pa rin hanggang ngayong panahon ni P-BBM.


Sa totoo lang, hindi naman mamamayagpag ang raket ni ‘Leah Cruz’ sa tatlong administrasyon kung wala siyang kasabwat sa DA at Customs. At kung sino-sino ang mga kasabwat niyang ‘yan, dapat ay hubaran sila ng maskara para malaman ng taumbayan kung sinu-sino sa DA at Customs ang mga sangkot sa sindikato ni ‘Mrs. Sibuyas’, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page