top of page

Sen. Risa: Ang daming bahay sa 'Pinas, kay Roque napunta ang pugante

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 1, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando @News | August 1, 2024


File photo
Photo: Senator Risa Hontiveros & Harry Roque / FB

Nagpahayag si Sen. Risa Hontiveros ng kanyang pagtataka na ang Chinese fugitive na sinasabing sangkot sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) operations sa Bamban, Tarlac ay natagpuan sa isang bahay sa Tuba, Benguet na ayon kay dating presidential spokesperson Harry Roque ay may "interest" siya.


Ito ay sinabi ng mambabatas habang ibinabahagi ang red notice ng International Criminal Police Organization (Interpol) tungkol kay Sun Liming, na tinukoy sa dokumento bilang isang "fugitive wanted for prosecution."


"Hindi lang basta-bastang Chinese ang nagtago sa sinasabing bahay ni Harry Roque. Itong si Sun Liming ay bigating pugante na nasa Red Notice ng Interpol," saad ni Hontiveros.


"Kaya nakapagtataka na sa dami ng bahay sa Pilipinas kay Roque pa talaga napunta ang pugante," pagbibigay-diin pa nito.


Samantala, lumabas sa impormasyon mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission na si Sun Liming ang nagsilbing IT manager ng Lucky South 99, ang POGO firm na sinalakay sa Porac, Pampanga.


Yorumlar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page