top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sen. Padilla, mukhang mapapa-resign ‘pag na-reject ang Chacha

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 24, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | March 24, 2023



DAHIL KONTRA ANG MGA KAPWA NIYA SENADOR SA CHACHA, TILA MAPAPASUBO SI SEN. PADILLA NA MAG-RESIGN SA PUWESTO—Karamihan sa mga senador, kabilang sina Senate Pres. Migz Zubiri at Presidential sister Sen. Imee Marcos ay nagpahiwatig ng pagkontra sa isinusulong ni Sen. Robin Padilla na Charter Change o Chacha.


Naku, tila mapapasubo si Sen. Padilla na mag-resign dahil noong Pebrero 18, 2023, sa bibig niya mismo nagmula ang salita na kapag hindi nakakuha ng suporta sa Senado ang kanyang panukalang baguhin ang 1987 Constitution ay magbibitiw siya sa pagka-senador. Boom!


◘◘◘


SAKALING I-REJECT ANG CHACHA, MAY ‘BALLS’ KAYA SI SEN. PADILLA NA MAG-RESIGN?—Sa press briefing sa Senado noong Marso 21, 2023, kabilang ito sa litanya ni Sen. Padilla, “Ang meron lang ako, my ‘balls’ and my word, ‘yun lang.”


Ibig sabihin, paninindigan niyang ipaglaban ang isinusulong niyang Chacha. ‘Yan ha, muli, kay Sen. Padilla nagmula ang statement na kesyo may ‘balls’ siya para panindigan ang kanyang salita, kaya sakaling i-reject ng mayorya ng senador ang kanyang panukalang Chacha, tingnan natin kung talagang may ‘balls’ siya na tuparin ang sinabi niyang magre-resign siya sa pagkasenador kapag nabasura ang kanyang Chacha. Abangan!


◘◘◘


‘DI TALAGA MAGAGAWA NG PINOY NA MAGSAYA DAHIL MARAMING MAHIRAP, KURAKOT AT MATAAS ANG PRESYO NG BILIHIN AT BAYARIN—Sa inilabas na datos ng World Happiness Report 2023, mula sa dating rank 60, lumagapak ang Pilipinas sa rank 76 sa ranking ng ‘happiest countries in the world.’


May katotohanan talaga ang datos na ‘yan dahil sa nangyayari ngayon sa Pilipinas, kung saan marami ang naghihirap, marami ang kurakot at mataas na presyo ng mga bilihin at bayarin, eh, talagang hindi magagawa ng mga Pinoy na magsaya. Boom!

◘◘◘


MAGAWA KAYA NG BAGONG CORDILLERA POLICE DIRECTOR NA IPA-TOKHANG ANG MGA ILEGALISTA SA BAGUIO CITY?—Bago na ang police regional director ng Cordillera region sa katauhan ni Brig. Gen. David Peredo na naupo sa tungkulin noong Marso 21, 2023.


Tingnan natin kung kayanin ni Gen. Peredo na utusan si Baguio City chief of police, Col. Glenn Lonogan na ‘tokhangin’ ang mga ilegalistang sina ‘Patrick’ na may illegal ‘mini-casino’ sa Legarda Road at Bokawkan Road; ‘Edna’ at ‘Jimmy’ na may pa-drop balls at color games sa Magsaysay Road at ‘Nestor’ sa Kayang Hill Top sa Baguio City. Abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page