top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sen. Padilla, dapat magpokus sa paggawa ng batas kaysa pag-initan ang fictional movie!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Pebrero 19, 2023


IMBES NA MAGPOKUS SI SEN. PADILLA SA PAGGAWA NG BATAS SA KAPAKANAN NG MAMAMAYAN, INUUNA NIYANG PAG-INITAN ANG FICTIONAL MOVIE—Sabi ni Sen. Robin Padilla, hindi dapat ipalabas sa Pilipinas ang hollywood movie na ‘Plane’ dahil may eksena raw dito na naglagay sa kahihiyan sa mga sundalong Pilipino. Nang bumagsak kasi ang eroplanong sinasakyan ng mga artistang Kano sa isang lugar sa Mindanao, walang Pinoy soldiers na lumaban sa mga terorista, tanging bidang hollywood actors lang ang sumagupa sa mga ito.


Hay naku, imbes na magpokus si Sen. Padilla sa paggawa ng mga batas para sa kapakanan ng mamamayan na mag-aahon sa kahirapan ng Pilipinas, eh ang inaatupag niya ay kainitan ang isang fictional hollywood movie. Pwe!


◘◘◘


DAPAT MAKIISA SI P-BBM LABAN SA KALIWA DAM AT BILANG PRESIDENTE, DAPAT AY I-REJECT NIYA ITO—Parami nang parami ang mga Pinoy na tumututol sa Kaliwa Dam na inaprubahan ni ex-P-Duterte na itayo sa kabundukan ng Sierra Madre sa Quezon province.


Dapat makiisa na si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) sa panawagang ibasura ang proyektong ito, at bilang presidente ay may kapangyarihan siya na ipatigil ang Kaliwa Dam project. Dahil kapag nawasak ang Sierra Madre, wala nang magiging panangga ang Luzon sa malalakas na bagyo, at magiging sanhi pa ito ng mga landslide.


Maraming pangyayari na humihina ang bagyo kapag tumama ito sa Sierra Madre, at isa sa patunay d’yan ang super-typhoon ‘Karding’ na humina nang tumama sa naturang kabundukan, period!


◘◘◘


MGA TRAPONG CONG. LANG ANG NAKINABANG SA DUTERTE ADMIN, TAPOS GUSTO NILANG KAMPIHAN SI EX-P-DUTERTE LABAN SA ICC—Nanawagan sa mamamayan ang mga trapong kongresista na makiisa sa pagtatanggol kay ex-P-Duterte laban sa ginagawang pang-uusig dito ng International Criminal Court (ICC) na may kaugnayan sa kasong crimes against humanity na isinampa sa dating presidente.


Aba, teka, itong mga trapong cong. lang ang nakinabang nang husto sa Duterte administration, kung saan sa panahon ni ex-P-Duterte ay napakaraming naghirap, maraming pinatay, nawala pa ang NFA rice sa merkado, garapalan ang korupsyon at nabaon nang husto sa utang ang Pilipinas.


Tapos ang gustong mangyari ng mga pulitikong trapo ay kampihan pa ito ng mamamayan sa pang-uusig ng ICC. Pwe!


◘◘◘


DAMING EPAL NA SENADOR NA TODO-KUWESTYON, PERO SA BANDANG-HULI AY NAG-APRUB DIN SA MAHARLIKA INVESTMENT FUND—Sa pagdinig sa Senado patungkol sa Maharlika Investment Fund, ang daming senador na nagpapakitang-gilas sa pagkuwestyon sa investment fund na ito.


Sa totoo lang, umeepal ang ilan sa mga senador na ‘yan, nagpapapansin lang sa publiko para masabing may malasakit sila sa kaban ng bayan o sa pera ng mamamayan. Pero sa bandang huli, tingnan n’yo ang mangyayari, boboto rin ang mga ‘yan para sa approval ng Maharlika Investment Scam —este, Fund, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page