top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sen. Padilla, buking na para sa no term limit at nuclear weapon ang pakay sa Chacha, Pwe!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 29, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | March 29, 2023



SINABI NOON NI SEN. PADILLA NA PANG-ECONOMIC PROVISION LANG ANG CHACHA, PERO KALAUNAN AY PINAPASUKAN NA ITO NG NO TERM LIMIT SA TRAPO AT NUCLEAR WEAPON—Nang umpisahan ni Sen. Robin Padilla ang pagsulong ng Charter change (Chacha), nais lang daw niyang baguhin ang mga economic provisions sa 1987 Constitution. Pero nang minsang matanong siya ng media, nadulas ito nang sabihin niya na kung nabago na noon ang Saligang Batas, sana ay si ex-P-Duterte pa raw ang presidente ngayon. At sa latest na pagdinig sa Chacha, iminungkahi ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na dapat daw tanggalin sa Konstitusyon ang nuclear ban dahil napapanahon nang magkaroon ng armas nukleyar ang Pilipinas.


Kita n’yo na ang tunay na pakay sa Chacha, ang matanggal ang term limit sa mga traditional politicians (trapo) at gumawa ng nuclear weapon ang ‘Pinas. Boom!


◘◘◘


‘PAG PARA SA HANAPBUHAY NG LIBU-LIBONG GURO, IMPOSIBLE PERO ‘PAG SA CONFIDENTIAL FUND, POSIBLE—Para kay Vice Pres., Department of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio, imposible raw na mangyari ang hirit ng ACT Teacher Partylist na mag-hire ng 30,000 bagong graduate na guro ang pamahalaan taun-taon.


Ayun, kapag para sa pagbibigay ng hanapbuhay sa libu-libong guro, para kay VP Sara ay imposibleng mangyari, pero kapag ang usapin ay tungkol sa kanyang confidential fund sa Office of the Vice President (OVP) at Office of DepEd Sec., posibleng mangyari dahil inaprubahan ng Kongreso, Senado at Malacañang ang hiningi niyang confidential funds. He-he-he!


◘◘◘


30K DAGDAG-GURO, IMPOSIBLE PARA KAY VP SARA, PERO SA AQUINO ADMINISTRATION, POSIBLE—Napakalaki ng budget ng DepEd ngayong 2023, kung saan halos P678 billion, at tiyak na sa mga susunod na taon ay palaki nang palaki ang magiging budget nito. Pero para kay VP Sara, imposibleng makapag-hire ng 30,000 newly graduate na guro ang DepEd dahil baka kapusin budget ng kanyang tanggapan.


Kung para kay VP Sara ay imposible ‘yan, sa panahon ng Aquino administration ay posible dahil kahit nag-umpisa sa P207 bilyon noong 2011 ang budget ng DepEd sa pamumuno ni former DepEd Sec. Armin Luistro, hanggang maging P319 bilyon ang budget noong 2015, nagawa ng PNoy administration na makapag-hire ng 175,000 newly graduate na guro sa loob ng anim na taon o halos 30,000 titser ng bayan yearly, period!

◘◘◘


MAY ‘ONLINE SABONG’ NA NAMAN SA SOCIAL MEDIA—Sa kabila ng pagbabawal na ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) sa online sabong, mayroon pa ring matitigas ang ulo sa social media na nagpapa-online sabong, at ang gamit na website ay sww.bets.419.com.


Dapat ipa-‘tokhang’ agad nina PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin at NBI Director Medardo de Lemos ang mga nasa likod ng online sabong na ito dahil kung dededmahin lang nila, baka dumami na naman ang mga magpapa-online sabong. Boom!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page