top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Sen. Imee walang sinasanto, pati Maharlika Wealth Fund ni P-BBM, tinabla!

BULGAR
Dec 5, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 6, 2022


PONDO NG GSIS AT SSS MEMBER, HUWAG PAKIALAMAN—Suportado ng majority Pinoy ang pagkontra ni Sen. Imee Marcos sa isinusulong na Maharlika Sovereign Wealth Investment Fund ng kapatid niyang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., pamangkin na si Ilocos Cong. Sandro Marcos at pinsan na si Speaker Martin Romualdez.

Hindi anila katanggap-tanggap na pati ang pondo ng mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) na worth P125 bilyon at Social Security System (SSS) na worth P50 bilyon ay kukunin ng pamahalaan para i-invest.


Pera ng mga kasapi ang nakaimbak sa GSIS at SSS, para ito sa kanilang pensyon, kaya hindi talaga dapat pinakikialaman ‘yan nina P-BBM, Sandro at Martin Romualdez.


◘◘◘


PINATUNAYAN NI SEN. IMEE NA KAHIT ANG UTOL NIYANG SI P-BBM, HINDI NIYA SASANTUHIN—Pinatunayan ni Sen. Imee na wala siyang sinasanto, na kahit kapatid pa niya ang pangulo, pero kapag may nakita siyang mali sa administrasyon nito ay kokontrahin niya, tulad ng pagkontra sa Maharlika Sovereign Wealth Investment Fund.

Para kay Sen. Imee, saludo sa ‘yo ang mamamayan, palakpakan naman diyan!


◘◘◘


‘NINGAS-KUGON’ LANG ANG RAID NG DA AT CUSTOMS SA BODEGA NA MAY NAKAIMBAK NA SIBUYAS—Nasa P30 milyon ang halaga ng mga nakaimbak o naka-hoard na sibuyas sa bodega sa Maynila ang kinumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC).


Ang raid ay “ningas-kugon” lang ng DA at BOC kasi nagkumpiska lang sila pero wala namang sinampahan ng kaso, kaya’t walang nakulong na agri-smuggler na sangkot sa hoarding ng sibuyas.


◘◘◘


STL-CON JUETENG NI ‘KA GLENN’, NAMAYAGPAG SA PANAHON NI EX-GOV. ROSAL; MAMAYAGPAG DIN KAYA NGAYONG SI LAGMAN NA BAGONG GOV.?—Natanggal na sa puwesto si former Gov. Noel Rosal, pero ang pa-STL-con jueteng ni “Ka Glenn” ay tuloy pa rin ang operasyon sa lalawigan.


Sa panahon ni ex-Gov. Rosal namayagpag ang raket ni “Ka Glenn”, kaya’t ang tanong, ngayong si Gov. Edcel Grex Lagman na ang gobernador ng Albay, magpatuloy pa rin kaya STL-con jueteng ng gambling lord?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page