top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sen. Imee, may "K" tapusin ang agri-smuggling at hoarding

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 6, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Pebrero 6, 2023


PARANG SINABI NG MGA MAGSASAKA NA PALPAK NA HEAD NG DA SI P-BBM AT MAS OKEY MAMUNO RITO SI SEN. IMEE— Nananawagan ang farmers organization na SINAG (Samahang Industriya ng Agrikultura) kay Pangulong Bongbong Marcos (P-BBM) na bitawan na ang pamumuno sa Department of Agriculture (DA) at italagang kapalit ang kanyang kapatid na si Sen. Imee Marcos dahil nakikita at ramdam ng mga magsasaka na may malasakit sa kanila ang senadora.


Sa kahilingang ito ng SINAG, para na rin nilang sinabi na palpak ang pamumuno ni P-BBM sa DA, kaya dapat na itong mag-out at si Sen. Imee ang i-in sa agriculture department. Boom!

◘◘◘


MGA AGRI-SMUGGLERS, KABADO DAHIL KAPAG SI SEN. IMEE NA ANG HEAD NG DA, TAPOS NA ANG HAPPY DAYS NILA—Sa panawagan ng SINAG na si Sen. Imee ang dapat mamuno sa DA, tiyak na ngayon pa lang ay kakaba-kaba na ang mga agri-smugglers sa bansa na sina "Leah Cruz," "Michael Yang," "David Bangayan," "Paul Teves," "Manuel Tan," "Andrew Chang," "Jun Diamante," "Lujene Ang," "Beverly Peres," "Lucio Lim" alyas "Aaron" at "Michael Ma", na may koneksyon kay Martin Araneta na utol ni First Lady Liza Araneta-Marcos.


Alam kasi ng mga agri-smugglers na sukdulan ang galit sa kanila ni Sen. Imee at kapag ang senadora na ang head ng DA, tapos na ang happy days nila sa pagpupuslit at pagho-hoard ng mga agricultural products sa bansa, period!

◘◘◘


IMBES NA MAKINIG SA PANAWAGANG BAWASAN ANG MGA SINASAMA NIYA SA FOREIGN TRIPS, SI P-BBM PARANG NANANADYA DAHIL DINAMIHAN PA—Nakatikim nang batikos si P-BBM nang mabulgar na higit 70 delegado ang isinama niya sa Switzerland kaugnay sa idinaos na World Economic Forum (WEF). At imbes na mahiya dahil pera ng taumbayan ang ginagastos sa kada biyahe niya, parang nananadya pa siya dahil sa kanyang pagbisita sa Japan mula Pebrero 8 hanggang Pebrero 12, nasa 150 delegado naman kanyang isasama.


Hay naku, imbes na makinig sa panawagan ng mamamayan, kabaligtaran pa ang ginawa. Tsk!

◘◘◘


SABLAY ANG PALUSOT NI P-BBM NOON NA MGA EKONOMISTA ANG KASAMA NIYA SA SWITZERLAND DAHIL NABULGAR NA KASAMA SI DAWN ZULUETA NA HINDI NAMAN EKONOMISTA—Ang palusot ni P-BBM na sa dami ng delegadong isasama niya sa Japan ay tulad ng palusot niya sa dami ng isinama niyang delegado sa Switzerland.


Ang palusot ni P-BBM, bukod sa mga government officials, mga negosyanteng Pinoy naman ang karamihan ng isasama niya sa Japan. Ganyan din ang palusot niya sa mga isinama niya sa Switzerland, na kesyo mga ekonomista, pero kalaunan ay nabulgar na ang isa sa mga isinama niya rito ay si actress Dawn Zulueta, na misis ni SAP (Special Assistant to the President) Sec. Antonio Lagdameo. Boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page