Sen. Bato nasa Davao — SILG Remulla
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
by Info @News | January 14, 2026

Photo: Sen. Ronald Bato Dela Rosa - FB
Pinaniniwalaan umano ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na nasa Davao si Senator Bato Dela Rosa ngayon.
Kasabay ito ng napaulat na may inilabas na umanong arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa senador.
Ayon kay Remulla, hindi umano umuuwi si Bato sa Cavite kung saan sila magkapitbahay.
Giit pa ng kalihim, hindi makagawa ng aksyon ang DILG dahil wala pa itong natatanggap na pormal na kopya ng umano’y arrest warrant mula sa ICC.








Comments