top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sen. Bato, imbes gumawa ng batas, mas inaatupag paano mag-top sa Senatorial survey, grabe!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 6, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | January 6, 2024


IMBES TUPARIN ANG CAMPAIGN PROMISE NA P20 PER KILO NG BIGAS, MAGDADAGDAG PA NG P2 SA PRESYO NG PER KILO NG BIGAS – Ibinulgar ng Samahang Industriya sa Agrikultura (SINAG) na ngayong January 2024 ay aaprubahan ng Dept. of Agriculture (DA) ang hirit ng mga rice importer na dagdag P2 per kilo ng bigas.


Pambihira naman, imbes tuparin ng Marcos administration, ang campaign promise ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na P20 per kilo ng bigas bilang pang-New Year sa mamamayan, eh mantakin n’yong magtataas pa ng P2 sa presyo ng per kilo ng bigas, tsk!

◘◘◘


KAPAG NAGKATOTOO ANG P50 PAMASAHE SA MGA BAGONG E-JEEP, DAPAT MAG-RESIGN ANG MGA OPISYAL NG LTFRB -- Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay imposible raw ang sinabi ng mga transport group na magiging P50 na ang pamasahe kapag naipatupad na ang Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.


Good news ‘yan kung totoo ang sinabi ng mga opisyal ng LTFRB na hindi magiging P50 pasahe sa PUV Modernization Program, pero kung sakaling magkatotoo ang sinabi ng mga transport group na magiging P50 ang pamasahe sa mga bagong e-jeep, ang dapat gawin ng lahat ng opisyal ng LTFRB ay mag-resign sa puwesto, period!


◘◘◘


SURVEY NG SWS NA BUBUTI ANG PAMUMUHAY NG 96% PINOY, SUNTOK SA BUWAN -- Sa survey ng SWS bago sumapit ang New Year, 96% daw ng mga Pinoy ang nagpahayag na may pag-asang bumuti ang kanilang pamumuhay sa pagpasok ng year 2024.


Ang survey na ‘yan ng SWS ay masasabing suntok sa buwan, kasi nga bukod sa may nagbabadyang P2 dagdag-presyo sa per kilo ng bigas ay humihirit pa ang mga manufacturer na magtaas ng presyo sa 60 grocery items, at idagdag pa d’yan ang posibilidad na maging P50 pasahe sa mga bagong e-jeep, boom!


◘◘◘


IMBES ANG ISIPIN NI SEN. DELA ROSA, PAANO MAIIBSAN ANG KAHIRAPAN NG MGA PINOY ANG INIISIP, MAG-TOP SIYA SA SENATORIAL SURVEY -- Sa survey ng 2025 senatorial survey ng Publicus Asia ay nag-top si ex-P-Duterte, sa survey naman ng SWS ay nag-top si dating Vice Pres. Jejomar Binay, at sa survey naman ng OCTA ay si ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo naman ang nag-top, at dahil d’yan ay inanunsyo ni re-electionist Sen. Ronald Dela Rosa na sana raw ay mag-top din siya sa mga ilalabas na susunod na survey.


Pambihira namang senador ito, imbes na mag-isip ng panukalang batas paano maiibsan ang hirap na dinaranas ng mamamayang Pinoy, eh ang nasa isip, mag-top siya sa senatorial survey, pwe!

 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page