Search
  • BULGAR

Sementeryo sa Metro Manila, sarado mula Oct. 29-Nov. 4

ni Thea Janica Teh | September 14, 2020



Napagkasunduan na ng lahat ng mayor sa Metro Manila na pansamantalang isasara ang

lahat ng pribado at pampublikong sementeryo at columbarium sa darating na Undas upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


Ayon kay Metro Manila Council Chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez, napag-

usapan umano ng lahat ng mayor sa Metro Manila na magsagawa ng unified policy kung

saan hindi papayagang bumisita ang sinuman sa sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4.


Dagdag pa ni Olivarez, maaari pa ring bumisita sa kanilang mga mahal sa buhay ngunit

bago o pagkatapos sa itinakdang pagsasara. Ito ay para maisagawa pa rin ang physical

distancing at maiwasan ang dagsa ng tao.


Samantala, tuloy pa rin ang interment at cremation kahit na sarado ang sementeryo.


Nauna nang inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagsasara ng lahat ng

sementeryo sa Maynila sa araw ng Undas, gayundin ang Cebu City kung saan isasara ang lahat ng sementeryo mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.