top of page
Search
  • BULGAR

Seloso at paranoid na bf, makakatuluyan pa rin

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | June 24, 2023



Dear Maestro,


Gusto ko nang makipaghiwalay sa nobyo ko, dahil grabe ito kung magselos, pero kahit na ganu’n siya alam kong mahal na mahal niya ako at mahal ko rin naman siya. Kaya lang kung minsan ay sobra na talaga ang ginagawa niya. Ayaw niya akong paalisin na hindi siya kasama, at kapag may nakikita siyang lalaki na kausap ko kahit na ka-classmate ko ay pinagbibintangan niyang manliligaw ko.


Araw-araw nitong tsine-check ang cellphone ko, baka raw kasi may kausap ako at hindi ko puwedeng palitan ang mga password ko sa social media account ko.


Naisipan kong sumangguni sa iyo, Maestro, upang itanong kung may pag-asa pa kayang magbago ang isang lalaking napaka-seloso lalo na’t kung kami ay magkakatuluyan?


September 29, 2001 ang birthday ng boyfriend ko habang June 17, 2002 naman ang birthday ko.

Umaasa,

Melody ng Santa Ana, San Mateo, Rizal

Dear Melody,


Alam mo, compatible kayo ng boyfriend mo dahil ang Gemini at Libra ay may isang elementong tinataglay – ito ang elementong hangin o air. Ibig sabihin, sa unang teorya o batas ng compatibility, swak ang inyong samahan, sa prinsipyong “same feathers flock together”. At kung tutuusin, magkasundo at okey naman ang inyong samahan, dangan nga lamang may pagkaseloso ang kumag mong nobyo.


Ang nakatutuwa pa rito, ayon sa Numerology na birth date mong 17 o 8 (1+7=8) ay strong number, habang ang birth date niyang 29 o 2 (ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2) ay weak number. Kaya sa bandang huli, pinapaalam ko na sa iyo ngayon pa lang ay kayang-kaya mo siyang underin.


Kaya lang dahil sa kasalukuyan ay bago palang ang relasyon niyo, hindi pa ganap na lumulutang ang tunay ninyong pagkatao.


Tunay ngang sa usaping developmental psychology, unang nagmamatured ang mga babae kaysa sa lalaki, sa lahat ng aspeto ng pagkatao. Mula sa pisikal na katawan, emosyonal at ganundin sa mentalidad.


Ito ang dahilan kung bakit ang mga babae ay partikular na unang tinutubuan ng malisya kaysa sa mga lalaki.


Kaya tulad ng naipaliwanag sa itaas, sa kasalukuyan niyang edad, inosente at bata pa talaga siya.


Sabihin na nga nating bata kung mag-isip dahil hindi pa siya ganap na nagiging matured, mental at emotional aspect. Kaya hindi pa niya nauunawaan ang ibig sabihin ng “salitang pag-ibig o pagmamahal”.

Pero ikaw, nakakatiyak ako na mas matured ka mag-isip kaysa sa kanya. Hayaan mo kapag nag-matured siya, mauunawaan niya rin ang pagkakaiba ng “possessive love sa true love”.


Kapag masyado kang possessive, at hinigpitan ang hawak sa iyong minamahal, magugulat ka, dahil hindi mo aakalaing ikaw din pala ang pumapatay sa pag-ibig na inuukol niya sa iyo.

By the way, sana ay mabasa rin ito ng boyfriend mo at mga taong labis kung magselos.


Ang tunay na pag-ibig ay hinahayaan ang kanyang minamahal na lumago at umunlad ang personalidad, sa makulay na pakikisalamuha sa kanyang kapwa at kapaligiran upang kapag ganap ng lumago ang pagkatao ng iyong minamahal, makakatulong naman ito upang lalo pang umunlad at maging maligaya ang inyong papasuking pagpapamilya.

Kapag hindi mo tuluyang sinikil at hindi pinalaya ang pag-ibig, kagaya ng maliit na ibon sa palad ng isang bata, ito ay dahan-dahang hindi makakahinga hanggang tuluyang mamatay, na siya ring maaaring mangyari sa inyong relasyon sa sandaling pinagpatuloy ng boyfriend mo ang wala sa lugar at hindi makatuwirang pagseselos.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page