Selebrasyon ng anibersaryo ng Kristiyanismo sa 'Pinas, ililipat sa 2022
- BULGAR

- Sep 25, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 25, 2020

Napagpasyahan ng Catholic Church sa bansa na ipagpaliban
ng isang taon ang quincentennial celebration ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas dahil sa panganib na dala ng Coronavirus.
Sa isang artikulong inilabas sa news site ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), ang planong mga aktibidad ng pagdiriwang sa April 2021 (ika-500th taon ito matapos na si Ferdinand Magellan ay dumating sa Pilipinas), ay gawin na lamang yearlong celebration sa April 2022.
“Due to the crisis caused by the Covid-19 pandemic, it was necessary to change the schedule of our celebration of the 500 years of Christianity,” sabi ni acting CBCP President Bishop Pablo Virgilio David.
Naipahayag din sa artikulo, na nagkasundo ang mga obispo na itakda ang selebrasyon sa April 17, 2022, Easter Sunday, kasabay ng pagdiriwang ng First Easter Sunday Mass sa bansa.
Dagdag pa ng artikulo, pinatunayan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na ang lugar para sa makasaysayang Misa ay naganap sa Limasawa Island sa Southern Leyte noong March 31, 1521.
Samantala noong September 12, nagsimula na ang Diocese of Maasin ng 200-araw na pagbilang para sa 500th anibersaryo ng 1521 Eucharistic celebration ng nasabing isla.
Gayundin, magkakaroon ang Simbahan ng quincentennial celebration bilang paggunita sa mga naganap noon tulad ng "First Baptism" sa Cebu.





Comments