top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sekyu na balak mag-quit sa trabaho nasa pagnenegosyo ang buwenas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 8, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | August 8, 2023



Dear Maestro,


Nagtatrabaho ako sa bangko bilang isang security guard, balak ko na sanang mag-resign dahil mas gusto ko na lang magnegosyo.


Kaya nais kong magnegosyo ay dahil may magpapahiram sa akin ng puhunan.


Maestro, ano ba ang bagay na negosyo sa aming mag-asawa at kung kami ay magnenegosyo, susuwertehin at yayaman kaya kami?


October 23, 1980 ang birthday ko habang July 8, 1980 naman ang misis ko.

Umaasa,

Jomar ng Pajo, Alfonso, Cavite

Dear Jomar,


Kung ang zodiac sign mong nasa pagitan ng Libra at Scorpio ang tatanungin, kung saan ang ganyang zodiac sign ay may tinatawag na “cusp”, na ang ibig sabihin, “suitable careers will be found in work that actively helps others, such as surgeon, spiritual healer, psychiatrist, or psychologist, and in work dealing with the public welfare, such as police officer, detective, undertaker, or research worker. Suitable careers are also to be found in all the beauty and luxury trades, e.g., artist, beautician, hairdresser, antique dealer, jeweler."


Dagdag dito, bagay din sa iyo ang lahat ng negosyong may kaugnayan sa tindahan, grocery, tubig at pampaganda. Gayundin sa butil at sa mga basic needs ng mga tao o iyong pang-araw-araw na pangangailangan, tulad ng bigas, asukal, kape, sabon, mantika at iba pang negosyong may kaugnayan sa pagpapaganda, sa pagkain at sa libangan.


Kung kasama mo naman si misis sa itatayo n’yong negosyo na isinilang noong July 8, 1980, sinasabing para sa kanya: “suitable careers will be found in jobs connected with looking after people, e.g., caterers, hoteliers, nurses, or domestic-science teachers; in jobs connected with the sea, e.g. fishermen or sailors, and in jobs to do with the past, e.g. antique dealers, auctioneers, historians and curators”.


Bagay din kay misis ang lahat ng produktong may kaugnayan sa pampaganda, dekorasyon, pagkain, karinderya, restaurant, cake, biscuits, cookies at iba pang uri nito.


Ayon sa Decadens ng Kapalaran kung magsisimula na kayong magnegosyo magandang magbukas kayo ng negosyo ngayong taon sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre, ituon n’yo lang ang pagbubukas ng bagong negosyo sa panahong nasa new moon, first quarter, hanggang nasa full moon ang buwan, sa partikular na petsang 5, 14, 23, 8, 17, 26, 7, 16, at 25, sa araw ng Lunes, Miyerkules at Linggo.


Isaalang-alang naman ang kulay na berde, gray, silver, pula, metallic blue or powder blue, para sa opisyal na kulay ng inyong negosyo.


Sa sandaling nasunod n’yo ang mga simpleng mungkahing nabanggit sa itaas, tiyak ang magaganap sa taong 2031, sa edad n’yong 51 pataas, uunlad ang inyong negosyo, hanggang sa matupad at magtuluy-tuloy na pag-unlad ng inyong kabuhayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page