Seguridad at kalusugan ng mga atleta sa Palaro tiniyak
- BULGAR
- 8 hours ago
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports News | May 24, 2025
Photo: Palarong Pambansa - Circulated FB
Laoag City - Maaaring hatiin ang mga gagawing mga laro at kompetisyon sa dalawang bahagi sa gaganaping 65th Palarong Pambansa dulot ng mataas na heat index sa Ilocos Norte.
Inihayag ni Department of Education undersecretary Malcolm Garma, na Secretary-General ng Palarong Pambansa lilimitahan nila ang kompetisyon ng hanggang 10:00 a.m. at at itutuloy ng 3 p.m. upang hindi mababad sa initan ang mga manlalaro.
“Number one consideration natin is yung standard is yung elevated Heat Index. So, kahit indoor yan, minsan hindi po kaya na sa sobrang init. Kaya this is why we are making sure that our tournament directors na kung hindi kaya yung init within the venue at playing venues,” ani Garma kasama rin sina Atty. Donato D. Balderas, Jr., Schools Division Superintendent at iba pa.
Inilahad din ni Garma na naging maigi ang kanilang preparasyon at pagsusuri sa mga playing venues ng 24 sports kabilang ang tatlong Larong Lahi na Patintero, Kadang-Kadang at Sack Race, na pasok sa tamang pamantayan. “We solicited the help of Philippine Sports Commission (PSC) and various NSA’s (National Sports Association) and together with our tournament directors and officials would been going around checking the final playing venue making sure that it is within the standard and second the playability of the venue and third yung condition natin to make sure it is safe,” esplika ni Garma.
Inaasahang dadalo si Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos bilang pormal na magbubukas ng mga laro kasunod ng mahahalagang mensahe para sa mga kabataan na naglalayong makabuo ng malawak na kahusayan sa pampalakasan.
Sa kabilang banda, pamumunuan ni weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo ang Oath of Coaches at Technical Officials, bilang kanyang kauna-unahang tungkulin bilang Technical Director ng Weightlifting event (demonstration sports) sa Palarong Pambansa.
댓글