top of page
Search
  • BULGAR

Seaman na bf, ‘di ka-compatible kaya iba ang makakatuluyan

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | Abril 4, 2024


Dear Maestro, 


Gusto kong itanong kung compatible ba kami ng kasalukuyan kong boyfriend at kung kami na ba ang magkakatuluyan? Isinilang siya noong August 12, 1993 habang September 5, 1994 naman ako. 


Siya na kaya ang lalaking nakatakda na makakasama ko habambuhay? Matagal na ang relasyon namin at nagbabalak na rin kaming magpakasal. Kaya lang nasa ibang bansa na siya ngayon at nagtatrabaho bilang seafarer.  Kung hindi ko siya ka-compatible, sino naman ang makakatuluyan ko? 


Umaasa,

Ms. Virgo ’94 ng Muzon, Taytay, Rizal

 

Dear Ms. Virgo ‘94,


Bagama’t magkapitbahay ang zodiac sign na Leo at Virgo. Hindi naman ito ang tunay na magkatugma o magka-compatible. Sa halip, ang relasyon n’yo ay pumapasok lamang sa ikatlong theory o ikatlong batas ng compatibility na tinatawag na “neighboring attraction”.


Ang neighboring attraction ay nagsasabing kung sino ang magkakapitbahay na planeta at zodiac sign ay kusang naghihigupan at nagbibigayan ng lakas at enerhiya sa isa’t isa para magpatuloy ang sistema ng sansinukob at sistema ng pananatili ng mga bituin sa kalangitan. 


Ngunit ang ganyang relasyon, tulad ng Leo at Virgo, bagama’t compatible sila dahil magkatabi o magkapitbahay ang zodiac sign ay madali ring nakakalimutan at nagkakalabuan sa sandaling lumayo ang isa dahil sa hindi inaasahang pangingibang-bansa o pagtatrabaho sa malayong lugar. 


Sa panahong nagkalayo ang dalawang magka-compatible sa tinatawag na “neighboring compatibility” at tuluyang nawala ang komunikasyon ng bawat isa, tiyak ang magaganap – hihina ang power of attraction n’yo hanggang sa tuluyang bumitiw ang lakas na nag-uugnay sa kanilang dalawa at mahulog sa kawalan at tuluyan na ring matapos ang nasabing relasyon. 


Kaya kung ganyan ang relasyon ng magkasintahan o mag-asawa, ang pananatiling buo o buhay ang komunikasyon at tiwala sa isa’t isa ay napakahalaga, sapagkat hindi gaanong panatag o matibay ang relasyon kung ito ay “neighboring attraction” lamang tulad ng Leo at Virgo. 


Sa matuling salita, ang ka-compatible talaga ng zodiac sign mong Virgo ay silang mga isinilang sa kapwa mo earth element sign tulad ng Taurus, Capricorn at kapwa mo Virgo, gayundin ang Pisces na under naman sa elementong tubig. Habang ang Gemini ay ka-compatible mo rin dahil ang Virgo at Gemini ay may iisang ruling planet na tinataglay – ang planetang Mercury. 


Bukod sa mga zodiac sign na nabanggit sa itaas, higit na magiging maligaya ang papasukin mong pag-aasawa at higit na magiging maunlad ang itatayo n’yong pamilya kung ang nasabing lalaking magiging boyfriend at mapapangasawa mo ay isinilang din sa petsang 5, 14, 23, 8, 17, 26, 7, 16 at 25. 


Habang, ayon sa iyong Love Calendar, sa taong 2027, magaganap ang iyong pag-aasawa, hindi sa kasalukuyan mong boyfriend kundi sa isang lalaking binanggit na ang zodiac sign at birth date sa itaas. 


Sa pag-aasawang ito, sa edad mong 33 pataas ay tuluy-tuloy ka nang makakasumpong ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.



0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page