SB19, may pinakamaraming nominasyon sa Awit Awards 2024
- BULGAR

- Aug 21, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @Entertainment News | August 21, 2024

Nakatanggap ang P-pop boy group na SB19 ng pinakamaraming nominasyon sa ika-37 na Awit Awards at lubos nilang pinasalamatan ang A'TIN o mga tagasuporta para rito.
Ibinahagi rin ng grupo ang kanilang tagumpay sa kanilang minamahal na mga tagahanga sa isang Instagram post.
“This journey has been nothing short of amazing, and we’re deeply grateful for your unwavering support, A'TIN!” saad ng SB19.
“Let’s continue to make history together,” dagdag pa sa post. Nakatanggap ng 12 nominasyon sa Awit Awards 2024 ang grupo kaya naman ganu'n na lang ang buhos ng suporta ng kanilang mga fans at ng mga Pinoy.





Comments