SB19, BINASTOS NG PINOY AIRPORT EMPLOYEE SA LAX
- BULGAR

- 1 day ago
- 3 min read
ni Rohn Romulo @Run Wild | August 26, 2026

Photo: IG _lizadino
Binalikan ng singer at member ng SB19 na si Justin de Dios ang encounter niya sa isang ‘disrespectful’ Pinoy na nagtatrabaho sa Los Angeles International Airport (LAX).
Sa in-upload na video ng P-pop King sa kanilang YouTube (YT) channel, ibinahagi nila ang kanilang experience sa historic performance sa Lollapalooza 2026 na ginanap sa Grand Park ng Chicago, Illinois noong July 30-August 2.
Ang SB19 ang first all-Filipino act na nag-perform sa nasabing music festival. At sa naturang YT vlog, naglabas ng sama ng loob si Justin.
Habang hinihintay daw nila ang kanilang luggage, nilapitan sila ng isang matandang babae para magpa-picture. Nakapagpakuha na raw ito kay Stell at nais pa niya sa ibang member.
Dahil hindi pa nga nase-settle ang mga bagahe, sinabihan ng kanilang manager na si Leah Gonzales ang babae na kung puwede raw ay kapag naayos na ang lahat, puwede namang magpa-picture.
Pero may lumapit daw na isang male airport employee na nakarinig sa pakiusap ng manager sa matanda. Paglapit daw nito, tinanong ang pangalan ng manager at nagsabing “Suplada ka, ah!”
Doon na nag-react si Justin sa tinuran ng airport employee.
Aniya, “Maayos naman ‘yung pagkakasabi ng manager namin, tapos ‘di naman s’ya ‘yung kausap, na-overheard lang.
“‘Di naman pinipigilan, nakapagpa-picture na nga si Nanay, ipinapa-stop na at later na lang.”
Laking gulat daw nila dahil ang dami nang sinabi nu’ng airport employee na para kay Justin ay ‘super disrespectful’ at nagpaparinig pa.
Ipinagmalaki pa raw nito ang mga pictures kasama ang ibang celebrities tulad nina Piolo Pascual at Gary Valenciano.
“Ang dami n’yang sinabi bigla, like, ‘‘Di pa nga sikat, ‘di pa nagpapa-picture. ‘Pag nasa harap na ng kamera, kumakaway-kaway, pero mga suplado naman,’ ganu’n,” seryosong kuwento pa ni Justin.
Tinanong pa raw si Justin kung member siya ng SB19. Nu’ng sabihin niyang “Oo,” sinabi nitong may female fans daw na nag-aabang sa labas. Tinawagan daw nito ang isa at nag-video pa, at ipinakitang kasama niya ang isang member ng SB19 nang walang permiso.
Kaya sobrang disappointed daw si Justin sa kanyang na-experience dahil kapwa-Pilipino pa raw ang nambastos sa kanila.
“Parang it’s very normal sa kanila, tapos kami pa ‘yung mali,” pahayag pa ng singer.
Pagtatapos pa ni Justin, “Grabe, wow! The ‘welcome committee’ sa pag-land ng LA is... shoutout to you, kuya!”
8 PINOY FILMS, PAGPIPILIAN PARA MAKAPASOK SA OSCARS
INILABAS na ng Film Academy of the Philippines (FAP) ang eight films na kasama sa shortlist na pagpipilian para maging official entry ng Pilipinas sa Best International Feature Film category ng 99th Academy Awards o Oscars.
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod: 58th ni Carl Joseph Papa, All the Things I Leave You (Patawid) ni Jade Castro, Filipiñana ni Rafael Manuel, I’mPerfect ni Sigrid Andrea P. Bernardo, Manila’s Finest ni Raymond Red, Quezon ni Jerrold Tarog, Silenced Nights ni Lawrence Fajardo at Sisa ni Jun Robles Lana.
Ayon sa naging pahayag ng FAP Director General na si Paolo Villaluna sa inilabas na press release kahapon, Agosto 28, “The films this year offer a spectrum of views of the Filipino experience.
“They look at our history, the issues we continue to face, and the ways Filipinos deal with questions of power, identity, love, freedom, and survival.
“Each one has its own voice and approach, showcasing our cinematic merit and any of them has the potential to connect with audiences beyond the Philippines.”
Paniniguro pa ni Villaluna, “Whichever film we send to the Oscars will carry a Filipino story that we can be proud of.”
Ang 8 contenders ay kikilatisin ng National Selection Committee na kinabibilangan ng mga respetadong Filipino industry experts.
Aprubado ito ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences (AMPAS) na masinsinang magsusuri sa mga isinumiteng pelikula base sa artistic merit, culture, relevance, at international campaign potential.
Ang announcement ng FAP sa mapipiling official entry ng ‘Pinas ay magaganap sa opening ceremony ng Philippine Film Industry Month sa Setyembre 4, Biyernes ng gabi, sa Shangri-La Plaza, EDSA, Mandaluyong City.
Good luck sa walong natatanging pelikula, and hopefully ay maganda at may global appeal ang mapili ng committee.





Comments