top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sayang ang boto sa mga senador na PRO-Maharlika, sipsip sa pangulo at wa' paki sa taumbayan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 3, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | June 2, 2023



MGA BOTANTE, NAGSISISI SA PAGBOTO SA MGA SENADOR NA PRO-MAHARLIKA INVESTMENT FUND—Pinuputakte ngayon ng batikos sa social media ang mga senador na bumotong pabor sa Maharlika Investment Fund (MIF), at sa comment section ay may mga mababasa na nagsisisi ang mga netizens sa ginawa nilang pagboto sa mga ina-idol nilang pulitiko.


Kaya 'yang galit ng mamamayan sa mga senador na pro-Maharlika ay pagpapatunay na mali ang naging desisyon ng majority Pinoys sa ginawa nilang pagboto sa mga idol nilang pulitiko kasi ngayon nila napatunayan na sa Presidente pala maglilingkod ang mga ibinoto nila, at hindi sa mamamayan at sa bayan.


Hay naku, nasa huli talaga ang pagsisisi, boom!

◘◘◘


SANA PATI MGA SINUNGALING NA TRAPO IKULONG NG 20-YEARS AT PAGMULTAHIN NG P3-M—Nagsulong si Sen. Robin Padilla ng panukalang patawan ng parusang 20-taong kulong at multang P3 milyon ang mga sinungaling na pulis at militar.

Unfair sa mga pulis at sundalo ang panukalang 'yan, dahil sa totoo lang, mas maraming traditional politician (trapo) ang sinungaling.


Para patas, sana patawan din ng parusang 20-taong kulong at P3 milyong multa ang mga sinungaling na trapo, tulad ng mga trapo na kada eleksyon, nangangakong magseserbisyo nang tapat, pero kapag nasa poder na ay pagnanakaw sa kaban ng bayan ang inaatupag!

◘◘◘


DAMING NABUDOL, DAHIL AKALA NG MAMAMAYAN AY GIGINHAWA NA ANG BUHAY NILA SA BBM-SARA TANDEM, HINDI PALA—Sa latest survey ng SWS, 48% daw ng mga Pinoy ang naniniwalang bubuti ang kanilang pamumuhay next year.


Patunay ang survey na 'yan na maraming nabudol ang mga loyalists at Duterte Diehard Supporters (DDS) vloggers na nagpakalat sa social media last May 2022 Election na kapag naging presidente si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at naging bise presidente si Sara Duterte-Carpio ay giginhawa na ang pamumuhay ng mga Pinoy. Halos isang taon na sa puwesto sina P-BBM at VP Sara, nakararanas pa rin ng hirap sa buhay ang mga Pinoy, kaya panalangin ng 48% Pinoy, next year, sana raw guminhawa na ang pamumuhay nila, boom!

◘◘◘


MGA SANGKOT SA PORK BARREL SCAM, SINUSUWERTE SA MARCOS ADMINISTRATION—Inabsuwelto ng Sandiganbayan si former Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino sa kasong graft na may kaugnayan sa P14 million pork barrel scam.


Dahil d'yan, lumalabas ngayon na ang mga minalas na nasampahan ng kasong graft at plunder noong Noynoy Aquino administration ay sinusuwerte ngayong Bongbong Marcos admin, kasi bukod kay ex-Cong. Antonino, ay pinalaya na rin ng korte sa pamamagitan ng piyansa ang sangkot din sa pork barrel scam na si Gigi Reyes, dating chief of staff ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, at maging si pork barrel queen Janet Napoles ay sinuwerte kasi lahat ng kaso niyang graft ay dinismiss ng Sandiganbayan, kaya kapag naabsuwelto ito sa kaso niyang plunder, tiyak lalaya na rin ito, tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page