Sawa na sa boring na ganap?... Prank ideas na puwedeng subukan sa birthday celebration
- BULGAR

- Jan 31, 2021
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 31, 2021

Pandemic ngayon, batbat nang lungkot ang marami, pati na birthday celebration hindi puwedeng i-celebrate nang bongga at hindi puwedeng mag-imbita ng marami dahil mahigpit na ipinagbabawal ang pagtitipon ng maramihan. Hmmm, tutal uso naman sa social media ang pranks, uso nang gawin ang panloloko sa mga mahal sa buhay at ito naman ay tinatawag na Birthday Prank Ideas.
Hindi lang practical jokes ang ginagawa ng marami kundi sa birthday surprise prank ay pinapauso na rin ito ngayon para naman kahit paano masaya ang pagtitipon kahit kayo-kayo lang.
Nauuso ang tiktok practical jokes at tricks, makiki-joke na rin tayo mga beshies!
Kung nais ninyong ang isang kaibigan, close family member ay gawan ng joke para sa kanilang kaarawan ngayon, heto ang mga magagandang ideya.
1. PEKENG PARTY. Dahil marami naman ang game ngayon pampaibsan ng lungkot, panahon na puno ng mga biro, paghandaan siya ng pekeng party. Puwede kang gumawa ng dekorasyon sa isang party kunwari at sabihin sa kanya na para ito sa birthday niya. Imbitahin siya rito. Siyempre, pagpasok niya rito ay mag-isa lang siya, may handa ka nang cake, balloons at mga pagkain kunwari, pero may isang oras na siyang naghihintay ay wala pang dumarating sa mga imbitado niyang dalawang kaibigan. Hayaan muna siyang mairita o maiyak at pagkaraan ay saka na siya dalhin sa likod-bahay kung saan talagang naroon ang mga bi4sitang mahal sa buhay.
2. PRAKTIKAL NA BIRO. Bigyan ng iba’t ibang biro ang taong may kaarawan maging sa kanyang bisita. O kaya naman ay atasan ang dalawang inimbitang bisita na magbaon na ng kanilang mga practical jokes para sa magbe-birthday. Ang ilang jokes ay puwedeng nakakapikon, kaya naman tiyakin sa dumalo ang plano mong inaasahan para sa magbe-birthday.
3. NAKASOSORPRESANG PA-BDAY. Punumpuno ka ng naiisip na pam-prank, ito ang pinakamainam na panahon na magkaroon ng sorpresa sa kanya. Kukutsabahin mo kunwari ang delivery boy na magdadala sa kanya ng isang mamahaling bag o accessories at saka siya sisingilin sa halaga ng naturang gamit na inorder niya online. Tiyakin mo na mahusay umarte at mag-prank ang rider, matapang na sisingilin siya sa items na tiyak mo ring iyon ang pangarap niyang maging regalo sa kanya. Iyan ang tiyakin mo na magiging ultimate prank sa iyong gustong biruin na mahal sa buhay.
4. TEMANG MARAMING BULAKLAK. Kung magbibiro ka sa isang magbe-birthday, gamitin mo ang mga bagay na ayaw na ayaw niya. Tulad na lamang ng paglalagay ng maraming bulaklak at iba pang pastel na kulay at idekorasyon ito, samahan pa ng mga bulaklak, malalaking gagamba, bubuyog at iba pang ka-weirduhang bagay sa kanya.
Maganda namang pang-welcome ang mga bulaklak at kakaiba hindi ba, lalo na kung pangkaraniwan na lang lagi ang selebrasyon ng kanyang kaarawan at gawing kakaiba naman para mas masaya at nakatutuwang selebrasyon.
MGA PAGKAING PAMBIRO PARA SA MAY KAARAWAN
Ang agahan ay pinakamahalagang pagkain sa buong araw at walang pinakamagandang paraan para masimulan ang birthday pranks day sa isang mangkok na lugaw, sasamahan ng isang burger o pandesal na pinatigas. Wala kang ibang gagawin kundi dagdagan ng ilang patak ng food coloring ang lugaw, puwedeng itim o pula, depende sa gusto mong kulay na nakakadiri o nakakadiwara.
Kung medyo hindi patok ang joke, mag-serve ng isang pekeng meatloaf sa umaga. Gumamit ng pira-pirasong chocolate rice cereal para magmukhang karne, magdagdag ng maliliit na piraso ng tuyong prutas para magmukhang sibuyas o kamatis. O kaya magpalaman ng bagoong sa pandesal na kunwari ay corned beef.
SA KATANGHALIAN.Kung magbabalot ng pack lunch para sa mga bata, maglagay ng laruang ipis na kunwari ay nakakapit sa mansanas. O kaya ay butasan ang saging na tama lang para pasukan ng gummy worm at ipasok ito rito.
ANG MATAHIMIK NA HAPUNAN NG PAMILYA. Sa hapunan lang karaniwang nagsasalu-salo ang lahat o nagsasabay ng pagkain. Kunwari ay nilagang dahon lang ng kamote ang ulam at tuyo ang nakahain. Hayaan muna silang medyo mairita ng konti at saka mo na ilabas ang tunay na masasarap mong pagkain na inihanda.
IMPOSIBLENG KAININ NA PAGKAIN. Kung sadya talagang maloko ka sa pagbibiro kaysa ang magluto, puwedeng magsilbi ng pagkain na totoo, pero hindi matataba. Punuin ang isang bowl ng 1/3 na tubig at ilagay ito sa freezer sa gabi pa lang bago ang pranks day. Kinabukasan, ilabas ang bowl na nakoberan ng yelo, gawing imposible itong kainin.Silbihan pa ang frustrated fruit salad eater ng isang cup ng kunwari ay juice pero gelatin ito sa isang baso na pinalamig mo rin ng gabing iyon. Kaya kahit inumin niya iyon ay matatawa ka na lang dahil matigas ito at hindi maiinom.








Comments