top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Saudi Arabia’s King Salman, nagpaospital

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 21, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | July 20, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Nagpa-admit si Saudi Arabia’s King Salman sa isang ospital sa Riyadh, para sa medical tests dahil sa inflammation ng kanyang gallbladder, ayon sa pahayag ng kingdom’s Royal Court sa opisyal na Saudi Press Agency.


Sa ipinalabas na statement, isinagawa tests sa 84-anyos na monarch sa King Faisal Specialist Hospital. Wala nang iba pang detalyeng ibinigay tungkol dito.


Bihirang may gamutin mulsa royal family ang naturang ospital, kahit pa ang tinamaan ng coronavirus. Ang pasilidad ay specialized sa transplant surgeries, research at training programs.


Mula pa January 2015, si King Salman ang nananatiling nasa kapangyarihan. Kinokonsidera siyang huling Saudi monarch sa henerasyon ng mga kapatid na naging pinuno matapos mamatay ng kanyang ama at founder ng Saudi Arabia, si King Abdulaziz.


Binabantayan ng mga observers ang kalusugan ni King Salman sanhi ng matinding kapangyarihan na mayroon siya gayundin, ang posisyong taglay na nangungunang bansa dahil sila ang isa sa top producers ng langis sa buong mundo na kanilang pinakamalaking ekonomiya.


Gayunman, inilagay niya ang 34-anyos na anak, si Crown Prince Mohammed bin Salman, na kanyang successor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page