Sarili, maikukumpara sa iba… ANNE: INGGIT, POSIBLE SA MGA BATANG IPINANGANAK NA MAHIRAP

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 11, 2026

Photo: Anne Curtis sa It's Showtime / Miss Q & A - YT
Nagpahayag ng saloobin ang aktres at host na si Anne Curtis sa noontime show na It’s Showtime sa segment na Miss Q & A tungkol sa tanong na, “Sasama ba ang loob mo sa mga magulang mo kapag hindi ka nila mabigyan ng magandang buhay?”
Ayon kay Anne, magiging mapagpasalamat pa rin siya sa kanyang mga magulang dahil sila ang nagbigay sa kanya ng buhay.
“Magpapasalamat ako because they gave me the gift of life, ‘di ba? Kasi if not, hindi ako mag-e-exist sa mundong ito,” ani Anne.
Gayunman, inamin din ni Anne na posibleng makaramdam ng inggit ang isang anak kapag nakikita niyang mas maganda ang buhay ng kanyang mga kasamahan o kaibigan.
“Feeling ko, if it happened to me, magkakaroon ka ng inggit. Magkakaroon ka ng inggit sa mga kasamahan mong nabigyan ng mas magandang buhay. Mapapatanong ka, ‘Ano ba ang nangyari?’” aniya.
Para kay Anne, mahalaga rin ang pag-unawa sa kalagayan ng mga magulang. Kung ipapaliwanag nila sa anak ang kanilang sitwasyon at kung paano sila patuloy na nagsisikap upang mabigyan ito ng magandang buhay, mas maiintindihan din ng anak ang kanilang pinagdaraanan.
“Pero maybe if they explain to you what happened, and maybe if they explain to you na patuloy naman silang nagpapakahirap para mabigyan ka ng magandang buhay, maiintindihan mo rin naman,” ani Anne.
Sa huli, aminado si Anne na maaaring magkaroon pa rin ng sama ng loob ang isang anak sa ganitong sitwasyon, ngunit maaari itong mapagaan sa pamamagitan ng pag-uusap at pag-unawa sa sakripisyo ng mga magulang.
“Pero may sama ng loob siguro,” dagdag niya.
Well, mahirap maging anak ng mahirap. Sipag, tiyaga, at konting tiis sa pila ng ayuda. ‘Di ba, madlang people?
Pak, ganern! 'Yun lang and I thank you.
‘Di lang bilang manugang…
DINA, ANAK NA ANG TURING KAY KRISTINE
NAGBAHAGI ang veteran actress na si Dina Bonnevie ng isang heartfelt na mensahe para sa kaarawan ng kanyang daughter-in-law na si Kristine Hermosa-Sotto.
Sa kanyang social media post, ipinahayag ni Dina ang kanyang pagmamahal at pasasalamat kay Kristine, na aniya ay hindi na lamang asawa ng kanyang anak kundi itinuturing na rin niyang sariling anak.
Aniya, “Happy Birthday to my beautiful daughter-in-law, whom I am blessed to call my daughter.”
Bahagi pa ng mensahe ni Dina, "When you first came into our family, you were my son’s wife. But as the years passed, you became so much more than that. You became someone I learned to love, appreciate, and treasure in my own heart.”
Ipinaabot niya ang pasasalamat kay Kristine sa pagiging matatag nito, pagsasakripisyong ginagawa para sa pamilya at mga kabaitang ‘di napapansin ng iba.
Payo pa ni Dina kay Tin, "Life will not always be perfect, and there will be seasons that will test us, but I pray that you will always remember that you have a family who loves you and will always be here for you. You are not just my daughter-in-law—you are my daughter, and that place in my heart is yours forever.
"On your birthday, my prayer is that God surrounds you with His love and favor, gives you strength when you need it, peace when life becomes difficult, and joy that comes from knowing how deeply you are loved. May He bless the work of your hands, protect your family, and give you many more beautiful years filled with laughter, meaningful memories, and answered prayers.
"I hope you never doubt how special you are to us. You are a beautiful blessing to our family, and I thank God for bringing you into our lives.
"Happy Birthday, my dear.
"May you always be happy, loved, and fulfilled. And may you continue to grow into the beautiful woman God created you to be.
"I love you, and I am so grateful to call you my daughter.
"Have the most beautiful birthday.”
Samantala, sa comment section ng post ni Dina, maraming netizens ang naantig sa heartfelt na mensahe niya para kay Kristine.
Happy birthday, beautiful Kristine Hermosa-Sotto.





Comments