Sarah, pumalag na sa fake news
- BULGAR

- Jan 15, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | January 15, 2024

Nag-post si Sarah Lahbati sa Facebook para iparating ang kanyang saloobin hinggil sa mga kumakalat na fake news.
Ayon sa aktres, masyadong maraming fake news at nagbabala sa mga social media users na huwag maniwala sa kanilang nababasa.
"So much fake news going around," sabi ni Lahbati.
"Don’t believe what you read," idinagdag niya.
Matapos kasing mapabalita na naghiwalay na sila ni Richard Gutierrez, bagama't hindi pa umaamin ang mag-asawa, maraming social media pages ang gumagawa at nagkakalat ng fake news na may kaugnayan sa paghihiwalay nila at idinadamay din pati ang mother-in-law ni Sarah na si Annabelle Rama.





Comments