top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

SARAH, ISINAMA NA SA FINALE NG SERYE NI RICHARD, ‘DI PA RIN NAGKAAYOS

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 6, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | November 6, 2023




Uy, may effort pala talaga ang ilang 'common friends' nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na pag-ayusin ang dalawa.


Sinadya pala talaga na bigyan ng cameo role si Sarah sa naging ending o finale ng The Iron Heart para nga sa effort na magkaayos sila.


Tama pala ang naglalabasang isyu ngayon na tila mid this year pa nag-umpisang magkaroon ng "isyu" ang mag-asawa and some of their common friends felt na baka may puwede silang magawa though ina-acknowledge naman daw nilang 'personal' problem ito.


Hindi lang naklaro ng kausap namin kung saan nag-umpisa ang conflict — kung sa isang simpleng isyu umano ng 'request for work' o isyu ng 'communication problem within family members'.


Isa nga kami sa mga nanghihinayang sa napakagandang samahan nina Richard at Sarah. Grabe ang ginawa nilang pakikipaglaban sa relasyon nila at sa dami ng naging sakripisyo na rin nila, sayang talaga kung tuluyan na silang hindi magkakaayos.


Sana nga ay may pinagdaraanan lang sila at kayanin nila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page