Search
  • BULGAR

Sarado ang isip noon, natauhan na ngayon…

SINGER-ACTRESS, NABUKING NA ANG TOTOONG UGALI NG PINAKASALANG AKTOR, PANAY ANG AWAY PERO TODO-TIIS 'WAG LANG MAPAHIYA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 27, 2020




BLIND ITEM:


For sure, hindi aamin ang singer-actress na nagkakaproblema na sila ng pinakasalan niyang aktor. At maaaring idahilan na lang niya na natural lang na may tampuhan at mumunting away ang mag-asawa.


Sey naman ng malalapit na kaibigan ng singer-actress, hindi niya basta-basta igi-give-up ang kanilang marriage dahil hindi biro ang mga pagsubok na kanilang pinagdaanan upang maipaglaban lang ang kanilang pagmamahalan.


May ilang fans ang nagsasabing baka natuklasan na raw ni singer-actress ang mga hindi kanais-nais na ugali ng mister kaya raw napapadalas na ang kanilang pag-aaway.


May nagsasabi pang baka nga raw tama ang kutob ng maderaka ng singer-actress kaya todo-harang at umaayaw sa aktor na pinakasalan ng kanyang anak.

Sabi nga, "Mother knows best." Matalas ang kanilang radar sa pagkilatis sa ugali ng manliligaw ng kanilang anak.


Sobrang na-in love ang singer-actress sa aktor kaya hindi na niya nakilatis nang husto ang tunay na ugali nito. And for sure, dahil sobrang mabait, magpapakamartir na lang si singer-actress sa piling ng lalaking minahal niya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.