top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Nagda-drive, nakatulog… NIÑO, GAME SAGUTIN LAHAT NG GASTOS SA NABANGGANG BIKTIMA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 12 minutes ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 26, 2026



TALKIES - NIÑO, GAME SAGUTIN LAHAT NG GASTOS SA NABANGGANG BIKTIMA-FB Niño Muhlach

Photo: FB Niño Muhlach



Naglabas na ng pahayag ang aktor na si Niño Muhlach hinggil sa kamakailang aksidenteng kinasangkutan niya gamit ang sariling sasakyan.


Ayon sa kanyang pahayag, “I am issuing this official statement to set the record straight regarding the recent vehicular accident involving my vehicle.


“First and foremost, I want to clarify that I had not previously given any personal statement regarding the incident. The initial information released stating that the crash was caused by mechanical failure was based solely on the preliminary findings of the police investigation, not from my own words.


“I want to be completely clear and honest: the accident was entirely my fault.

“Due to an extremely demanding and exhausting schedule, I fell asleep behind the wheel. Because the incident occurred on a Sunday, my regular driver was on his scheduled day off, and I was driving myself. While fatigue overtook me, that is no excuse. Falling asleep at the wheel led directly to hitting a pedestrian and damaging nearby establishments.


“I take full personal and legal responsibility for what happened. My priority right now is ensuring that the affected individual receives all necessary care, support, and medical assistance, and that all damages caused to the properties and establishments are fully compensated and rectified.


“I am deeply sorry to the victim, their family, and everyone affected by my negligence. I am fully cooperating with authorities as this matter is being resolved.

“Sincerely, Angelo Jose Rocha Muhlach.”


Anyway, thank God at ligtas si Niño. Sana ay mabilis na gumaling ang taong nasugatan sa aksidente. Sigurado akong hindi siya pababayaan ng aktor at gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para makatulong. Mabuting tao si Niño, at sa pagkakataong ito, isang aksidente talaga ang nangyari.

‘Yun lang, and I thank you.





Paulit-ulit nabigo sa lalaki…

DINA: PANGIT BA ‘KO? TANGA BA ‘KO?



“I’ve been through a lot of rejections,” ito ang pahayag ng multi-awarded actress na si Dina Bonnevie sa kanyang YouTube (YT) channel na House of D (HOD).


Ibinahagi ng aktres na nakaranas na rin siya ng maraming kabiguan, hindi lamang sa career at negosyo kundi maging sa kanyang love life.


Sa kanyang kuwento, sinabi ng aktres na dumaan siya sa masasakit na heartbreak at ilang pagkakataong tila paulit-ulit siyang tinanggihan. Sa negosyo, aniya, ilang beses din siyang nakaranas ng ‘no’ matapos niyang paghirapan ang isang bagay.


Gayunman, hindi niya hinayaang maging dahilan ang mga kabiguang ito para sumuko.

“Eventually, I survived. I put up another business, I started again, and then nag-flourish naman,” ani Dina.


Napag-usapan din sa kanilang kuwentuhan kung kailan dapat magdesisyon ang isang tao na tuluyan nang bumitaw sa isang relasyon. Bagama’t dati siyang naging misis ni Bossing Vic Sotto, hindi niya direktang binanggit ang pangalan ng dating mister sa kanyang kuwento.


Ayon kay Dina, dumating siya sa puntong ilang beses na niyang sinubukang ayusin ang sitwasyon ngunit wala pa ring nagbago.


Aniya, “When I decided na, ‘No, I’m not going to take this sitting down. Ayoko na, aalis na ako. Maghihiwalay na kami,’ kasi ilang beses mo nang tinry, tinry, tinry pero wala talaga.”

Aminado siyang masakit at malaking dagok sa kanyang self-confidence ang pinagdaanan niya.


“Saan ako mali? Pangit ba ‘ko? T*nga ba ‘ko? ‘Di ba ‘ko maganda? ‘Di ba ‘ko masarap magluto? Bakit?” ani Dina.


Ngunit sa kabila ng sakit, sinabi ni Dina na naging daan din ang karanasan niya upang mas maging matatag at mapagpursige siya.


Aniya, natutunan niyang hindi lamang umasa sa sarili kundi maging sa kanyang pananampalataya sa Diyos.


“God, you know the design for my life. You know what you have planned for me,” ani Dina.

Bilang isang single parent na may dalawang maliliit na anak noon, hindi itinuring ni Dina na katapusan na ng kanyang buhay ang pinagdaanan niyang rejection at heartbreak.


Sa halip, pinili niyang magpatuloy at gamitin ang kanyang mga talento at kakayahan upang mapabuti ang kanilang buhay.


“‘Di porke’t single parent ako, meron akong dalawang maliliit na bata, parang this is the end of me. No, tuloy pa rin ako,” dagdag pa ni Dina.


Ibinahagi rin niya na may mga taong matapos makaranas ng rejection o hiwalayan ay nalululong sa bisyo at tuluyang napapariwara.


Para kay Dina, ayaw niyang mangyari iyon sa kanyang buhay.


Aniya, “I decided na, ‘No. ‘Di ko gagawin ‘yun kahit humindi na nga ako. Gagawin ko pa ring maganda ang buhay ko para I have the biggest yes. Parang yes to me.’”


Sa huli, sinabi ni Dina na ang kanyang pagpupursige ang naging daan upang muling umangat ang kanyang career.


“So nag-bloom naman ‘yung career ko,” pagtatapos ni Dina na may ngiti sa kanyang labi.

Wow, you’re amazing, Ms. D as in Dina Bonnevie! 


Well, wish lang naman ni yours truly na sana, gayahin ka rin ng ibang babaeng nakaranas ng hiwalayan blues.

Big tumpak ka r’yan, Ms. D!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page