Sangkot sa paggawa at pagbebenta ng pekeng gamot, sampolan
@Editorial | May 9, 2023
Nauuso na naman ang sakit at sa ganitong sitwasyon, nakabantay-salakay din ang abusado at manloloko.
Ang tinutukoy natin ay ang mga manufacturer at distributor ng pekeng gamot.
Kaya nagbabala na ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa mga fake medicine na nagkalat sa merkdo.
Sa inisyung advisories ng FDA, pinag-iingat ang mga consumer at pharmacies laban sa mga over-the-counter pain relievers at flu medicines, lalo na ang pekeng bersyon ng mga kilalang brands ng gamot.
Halos magkapareho lamang ang peke at tunay na gamot, maliban sa ilang discoloration sa pekeng gamot. Ang lot number, knurling at print appearance ng counterfeit products ay hindi pasok sa standard features ng rehistradong produkto.
Babala rin sa mga establishment at outlets na huwag magbenta ng mga pekeng gamot.
Pero kung ayaw paawat, maaaring maharap sa pagkakakulong mula anim hanggang 10 taon at multang P100,000 hanggang P500,000 o pareho para sa manufacture, pagbebenta o distribusyon.
Ang panawagan lang sa kinauukulan, maging mas masigasig sa pagtugis sa mga sangkot sa ilegal na gawain saka sampolan nang matindi para hindi na pamarisan pa.
Tayo namang publiko, maging mas maingat at mapanuri. Tiyakin na ang binibilhan ay rehistrado at ang gamot ay hindi peke.



Comments