Sangkot sa ‘missing sabungeros’... 11 Pulis, sibak sa serbisyo
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni BRT @News | May 2, 2026

Photo: File / NAPOLCOM
Iniutos ng National Police Commission (Napolcom) ang pagtanggal sa serbisyo ng 11 pulis dahil sa pagkakasangkot sa mga kaso ng pagdukot noong 2021 na may posibleng kaugnayan sa nawawalang mga sabungero.
Ayon sa Napolcom, ang mga sangkot na pulis ay mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ilalim ng Regional Drug Enforcement Unit na sina Lieutenant Colonel Ryan Jay Orapa, Major Mark Phillip Almedilla, Senior Master Sergeant Mark Anthony Manrique, Staff Sergeant Edmon Muñoz, Staff Sergeant Robert Allan Raz Jr., Staff Sergeant Denar Roda, Corporal Alric Natividad, Corporal Reynaldo Seno Jr., Corporal Ronald John Lanaria, Rufino Panghulan at Patrolman Develyn Tapalla.
Napatunayang “guilty” ang mga ito sa dalawang bilang ng ‘grave misconduct’ at dalawang bilang ng ‘conduct unbecoming of a police officer’.
Nag-ugat ang kaso mula sa reklamo nina Milagros Estacio at Elizabeth Sotto noong Setyembre 2025.
Dinukot umano ng mga pulis ang kanilang mga anak sa magkahiwalay na anti-drug operations, na posible umanong may kaugnay sa pagkawala ng mga sabungero.




Comments