top of page
Search
  • BULGAR

Sangkaterbang pera ng bayan gagastahin ni P-BBM nang walang resibo

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 6, 2023


P-BBM, MAY P9.2-B CONFIDENTIAL NA SA OP, GUSTONG MAY P50-M CONFIDENTIAL FUND DIN SA OPIS NIYA SA DA -- Bukod sa P9.2 billion confidential fund para sa Office of the President (OP), gusto rin ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na magkaroon siya ng bukod na P50 million confidential fund sa kanyang tanggapan sa Dept. of Agriculture sa year 2024.


Mantakin n’yo, kapag ang mga hinihinging ito ni P-BBM ay inaprub ng Senado at Kongreso, sangkaterbang pera ng bayan ang gagastahin ni P-BBM nang hindi malalaman ng mamamayan kung saan niya ginasta kasi ang confidential fund ay ginagastos nang walang kaakibat na resibong isinusumite sa Commission on Audit (COA) kung saan ito ginastos, pwe!


◘◘◘


IBANG MIYEMBRO NG GABINETE NAINGGIT SA CONFIDENTIAL FUNDS NI VP, DEPED SEC. SARA DUTERTE KAYA NAGHIHINGIAN NA RIN NG CONFIDENTIAL FUNDS -- Nang suriin ni Sen. JV Ejercito ang nilalaman ng nakakalulang higit P5.7 trillion national budget para sa year 2024, napuna niya na ang mga tanggapan ng pamahalaan na dati ay wala namang confidential fund, ngayon daw halos lahat ng departamento ng gobyerno na pinamumunuan ng mga miyembro ng Marcos admin ay nagsisipaghingi na ng confidential funds.


Inumpisahan kasi ni Vice President, Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio na palagyan ng P500-M confidential fund ang Office of the Vice President (OVP) at P150-M confidential fund ang Office of DepEd secretary ngayong year 2023, kahit dati naman na walang ganitong pondo ang OVP at DepEd sec. At dahil inaprub ito ng mga senador at kongresista, nainggit tuloy ang ibang miyembro ng Gabinete kaya nagsisipaghingian na rin ngayon ng confi fund para sa kanilang mga tanggapan, boom!


◘◘◘


KATATAPOS LANG IBIDA ANG FAKE NEWS NA 4.7 % INFLATION RATE, BINUNTUTAN AGAD NG PANIBAGONG BIGTIME OIL PRICE HIKE -- Katatapos lang ipairal ng Marcos admin nitong nakalipas na August 1, 2023 ang dagdag-dagok sa mamamayan na taas-presyo sa gasolina na P3.20 hanggang P3.50 per liter; sa diesel ay P2.80 hanggang P3.10 per liter at sa kerosene ay P1.85 hanggang P2.15 per liter, heto may kabuntot na namang dagdag-pahirap na taas-presyo next week na P3.40 hanggang P3.60 per liter sa diesel, P2.45 hanggang P3.60 per liter sa kerosene at P0.15 hanggang P0.35 per liter sa gasolina.


Mantakin n’yo, katatapos lang ibida ng mga alagad ni P-BBM sa mamamayan na kesyo bumaba na raw sa 4.7% ang inflation rate sa Pilipinas, ay sinundan agad ito ng Marcos admin ng dagdag-pahirap sa taumbayan na bigtime oil price hike next week, buset!


◘◘◘


MMDA SA PANAHON NG MARCOS ADMIN, MALUPIT! -- Hindi lang pala mga rider, kundi pati mga vendors na sisilong sa overpass, flyover at footbridge kapag bumuhos ang ulan ang huhulihin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at pagmumultahin ng P1,000.


Isipin n’yo, sisilong lang para hindi mabasa ng ulan para makaiwas sila sa sakit, tapos huhulihin at pagmumultahin ng P1K.


Ganyan kalupit ang MMDA sa ilalim ng Marcos admin, tsk!



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page