top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sana pati sa mga 'nganga' sa illegal gambling nakapokus si Mayor Magalong, 'di lang sa mga nagnganga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 10, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Pebrero 10, 2023


SANA ANG DIREKTIBA NI MAYOR MAGALONG AY ‘DI LANG SA MGA NAG-NGANGANGA, PARUSAHAN DIN NIYA ANG MGA 'NGANGA' SA ILLEGAL GAMBLING—Iniutos ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa pulisya at mga barangay officials na dakpin ang mga taong mahuhuli sa akto na idinudura sa kalsada ang nginunguya nilang ‘nganga’ o betel nut.


Ayos ‘yang direktiba ni Mayor Magalong, pero sana ay hindi lang sa mga taong nagnganganga ituon ng alkalde ang kanyang atensyon. Sana ay magpalabas din siya ng direktiba para parusahan ang mga pulis at barangay officials na ‘nganga’ naman sa raket ng mga gambling lords sa lungsod dahil hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang raket ni ‘Patrick’ na illegal mini-casino sa Legarda Road at Bokawkan Road; at drop balls at color games nina ‘Edna’ at ‘Jimmy’ sa Magsaysay Road at ‘Nestor’ sa Kayang Hill Top, pawang sa Baguio City, period!


◘◘◘


KARAMIHAN SA STATION COMMANDERS NG MPD, 'NGANGA' SA RAKET NINA ‘BOY ABANG’ AT ‘LORNA’—Karamihan ng station commanders ng Manila Police District (MPD) ay nganga rin sa pagsugpo ng mga manraraket sa kanilang nasasakupan.


May katagalan na rin kasi sa puwesto sina MPD-Station 1 chief Col. Rosalino Ibay, MPD-Station 3 chief Col, Ramon Solas, MPD-Station 7 chief Col. Jonathan Villamor, at MPD-Station 11 chief Col. Rexson Layug, pero hanggang ngayon, nganga lang sila sa raket na bookies at lotteng nina ‘Boy Abang’ at ‘Lorna’ sa kanilang nasasakupan. Tsk!


◘◘◘


KAPAG HINATI SA 6 ANG BGY. BAGONG SILANG, 6 CHAIRMAN AT 42 KAGAWAD ANG DAGDAG NA PASUSUWELDUHIN NG MAMAMAYAN—Plano ng mga senador at kongresista na hatiin sa anim ang malaking barangay na Bgy. Bagong Silang sa Caloocan City.


Ibig sabihin, kapag naaprub ‘yan ay madadagdagan na naman ang mga pulitikong pasusuwelduhin ng taumbayan. Kung dati ay isang barangay chairman at pitong kagawad lang pinasusuweldo, magiging anim na barangay chairman at 42 kagawad na ang bibigyan ng sahod ng mga taga-Bgy. Bagong Silang. Boom!


◘◘◘


HUWAG SANANG TULARAN NI P-BBM SI EX-P-DUTERTE NA DAGDAG NANG DAGDAG NG MGA PULITIKONG PASASAHURIN NG TAUMBAYAN—Noong panahon ni ex-P-Duterte, inaprubahan nito na hatiin sa dalawang probinsya ang Maguindanao (Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur) at hinati sa tatlo ang 2nd district ng Rizal province. Dahil d’yan, nagkaroon ng mga karagdagang pulitiko na pinasasahod ang mamamayan sa mga probinsyang ito.


Sana, kapag nasa lamesa na ni Pangulong Bongbong Marcos (P-BBM) ang panukalang hatiin sa anim ang Bgy. Bagong Silang ay i-veto niya ito para hindi maisip ng mamamayan na tulad siya ni ex-P-Duterte na dagdag nang dagdag ng mga pulitikong pasusuwelduhin ng taumbayan, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page