top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

‘Sana all’ ng Pinoy ang binigyan ng P50K Inflation Aid, 'di lang mga kawani ng Senado

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 23, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Pebrero 23, 2023


LAHAT NG MAMAMAYAN APEKTADO NG 8.7% INFLATION RATE, TAPOS SENATE EMPLOYEES LANG PINABIGYAN NI ZUBIRI NG P50K INFLATION ASSISTANCE—Pinuputakte nang batikos ngayon si Senate Pres. Migs Zubiri dahil sa ibinida niyang pagkakalooban ng P50K inflation assistance ang may 3,000 empleyado ng Senado.

Mababatikos talaga ito dahil hindi lang naman mga empleyado ng Senado ang apektado ng 8.7% inflation rate kundi buong sambayanang Pinoy, kaya ‘sana all’ na lang ang mamamayan sa mga binigyan ng naturang ayuda.


Bilang Senate President, may kapangyarihan naman si Zubiri na hilingin sa mga kapwa niya senador na gumawa sila ng resolusyon na humihiling kay Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na bigyan ng inflation assistance ang lahat ng Pilipino, pero hindi niya ginawa, at tanging mga empleyado nila sa Senado ang binigyan nila ng grasyang P50-K. Tsk!


◘◘◘


PROMISE NG MGA TRAPO NA MAGLILINGKOD SA LAHAT NG MAMAMAYAN, TAPOS SA PANAHON NG KRISIS, MGA EMPLEYADO LANG NILA ANG BINIBIGYAN NG TULONG—Sa tuwing panahon ng kampanya o campaign period, ang pramis ng mga trapong (traditional politician) tulad ni Sen. Zubiri ay paglilingkuran nila ang lahat ng mamamayan.


Tapos nang manalo at maging Senate president pa, sa panahon ng krisis dulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin, ang gusto lang niyang bigyan ng inflation aid ay ang mga empleyado ng mga senador at wala nang paki sa naghihirap na mamamayan. Pwe!


◘◘◘


PAGPAPABABA SA PRESYO NG PAGKAIN ANG DAPAT ISULONG NINA GMA AT ROBIN, ‘DI ANG PROTEKTAHAN SA ICC SI EX-P-DUTERTE—Matapos magsulong si former President, Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ng resolusyon para ipagtanggol si former Pres. Rodrigo Duterte sa kinakaharap nitong kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) ay nagsulong din nang ganitong uri ng resolusyon sa Senado si Sen. Robin Padilla.


Hay naku, imbes na ang isulong nina GMA at Robin ay resolusyong humihiling sa gobyerno, partikular sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) na pababain ang presyo ng mga produktong pagkain dahil sobrang taas na talaga ng presyo ng mga pagkain ngayon, ang inaatupag nila ay proteksyunan si ex-P-Duterte sa kinakaharap nitong kaso sa ICC. Mga buset!


◘◘◘


RESOLUSYON NINA GMA AT ROBIN, BAYAD-UTANG NA LOOB KAY EX-P-DUTERTE—Nang maupong presidente si ex-P-Duterte noong Hulyo 1, 2016, makalipas lang ang halos 20 araw ay na-dismiss na ang kasong plunder ni GMA at nakalaya na siya mula sa hospital arrest. Pagkatapos nito, noong Nobyembre 2016 ay pinagkalooban naman ng ex-president si Robin ng absolute pardon. Ibig sabihin, wala na siyang criminal record sa kasong illegal possession of firearms at puwede na siyang pumasok sa pulitika, kaya naging number 1 senador siya.


Dahil d’yan, lumalabas na ang resolusyong inihain nina GMA at Robin sa Kongreso at Senado ay bayad-utang na loob kay ex-P-Duterte. Boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page