top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sana all ng kurakot na trapo matulad din kay janet napoles, makulong ng 64 years

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 22, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 22, 2023


SABLAY ANG SINABI NG OMB-DOE NA WALANG EPEKTO SA ‘PINAS ANG ISRAEL-HAMAS WAR, KASI NEXT WEEK MAY BIGTIME OIL PRICE HIKE NA NAMAN -- Next week, may bigtime oil price hike na naman, na magkakaroon ng dagdag-presyong P1.20-P1.50 ang kada litro ng diesel, P0.90-P1.10 sa kada litro ng gasolina at P1.20-P1.40 sa kada litro ng kerosene.


Kung ganu’n, sablay ang sinabi ni Director Rino Abad, head ng Oil Management Bureau (OMB) ng Dept. of Energy (DOE) noong October 9, 2023 na wala raw epekto sa presyo ng langis sa bansa ang giyerang nagaganap sa pagitan ng Israel at Palestine-Hamas Islamist Group, na ang gusto niyang palabasin ay hindi raw tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa ‘Pinas, boom!

◘◘◘


KAYA MATAAS ANG PRESYO NG LANGIS SA ‘PINAS KASI MAY OIL EXCISE TAX NA, MAY OIL VAT PA! -- Kung ayaw ng Marcos administration na tanggalin ang oil excise tax, iminungkahi ni Sen. Imee Marcos na ibasura na ng gobyerno ang Value-Added Tax (VAT) sa langis para bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.


Sana, suportahan ng lahat ng senador ang mungkahing ‘yan ni Sen. Imee para ma-pressure ang Marcos admin na ibasura na ang VAT sa langis, kasi ubod na talaga nang taas ang presyo ng krudo sa ‘Pinas, kasi nga bukod sa may oil VAT na, may oil excise tax pa, tsk!

◘◘◘


MATULAD SANA KAY JANET NAPOLES ANG LAHAT NG KURAKOT NA TRAPO, DAPAT MAKULONG DIN SILA NG 64 YEARS -- Hinatulan ng Sandiganbayan si pork barrel queen Janet Napoles na makulong ng 64 years kaugnay sa kinasangkutan niyang pork barrel scam.


Sana all ng mga kurakot na trapo (traditional politicians) ay ganyan din ang ihatol ng Sandiganbayan bilang kabayaran sa ginawa nilang pangungurakot sa kaban ng bayan, period!

◘◘◘


DICT, TABLADO KAY SEN. PIMENTEL ‘DI RAW DAPAT MAGKA-CONFIDENTIAL FUND KASI ‘DI NAMAN ITO LAW ENFORCEMENT AGENCY -- Para kay Senate Minority Leader, Sen. Koko Pimentel ay hindi raw dapat bigyan ng P300 million confidential fund ang Dept. of Information and Communications Technology (DICT) kasi hindi naman ito law enforcement agency, at ayon sa senador, may sapat na pondo naman ito (DICT). Pondong nau-audit ng COA para gumawa ng mga aksyon na pangsugpo sa mga hacker.


May punto si Sen. Koko sa sinabi niyang ito, pero ewan ba sa mga DICT official kung bakit gustung-gustong magka-confidential fund, isang uri ng pondo na ginagasta nang walang kaakibat na resibo, he-he-he!




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page