top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Saludo sa matatapang at handang magsakripisyong rescuers tuwing may kalamidad

BULGAR
Sep 29, 2022
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | September 29, 2022


Hinagupit ng Super Typhoon Karding ang Luzon noong nakaraang Linggo.


Ayon sa Department of Agriculture, nasa P141.38 million ang inisyal na tantiya ng halaga ng pananim na nawala. Nirerepresenta nito ang 5,886 metric tons na panani ng 740 magsasaka sa 16,229 hektarya ng lupa.


Ang mga naapektuhang rehiyon ay Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Central Luzon, and Calabarzon.


Dagdag pa ng DA, bigas ang bumubuo sa 76.11 percent ng naitalang pagkasalanta.


Umaasa tayong agarang mabibigyan ng suporta ang ating mga magsasaka upang sa lalong madaling panahon ay makabangon silang muli.


☻☻☻


Kasabay ng paghagupit ni Karding, nag-trending naman sa social media ang Sierra Madre.


Tuwing September 26 ay ginugunita rin ng bansa ang Save Sierra Madre Day, bilang pagpapaalala sa halaga nito sa atin.


Tinaguriang “backbone” ng Luzon ang Sierra Madre at nagsisilbi itong proteksyon laban sa panganib na dala ng mga bagyo.


Kung wala ang Sierra Madre, mas matinding pinsala pa sana ang naidulot ng Bagyong Karding.


Nawa’y magsilbing “wake-up call” ito sa atin na pahalagahan ang ating kalikasan at maging mas seryoso at masigasig pa sa pagpreserba ng ating mga kagubatan.


☻☻☻


Pagpupugay sa ating mga rescuer at ibang frontliner sa sakuna na hindi nangingiming paglingkuran ang ating mga kababayan.


Sa kasamang-palad, limang rescuer ang nasawi sa San Miguel, Bulacan dahil sa flash flood.


Nakikiramay tayo sa pamilya nina: Narciso Calayag, Jerson Resurecion, Marvy Bartolome, George Agustin, at Troy Justin Agustin, na mga miyembro ng Bulacan Provincial Rescue Team.


Sa limang bayaning nasawi, taos-pusong pasasalamat sa inyong paglilingkod.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page