top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Saint Clare, nakadepensa agad sa NAASCU opening

BULGAR
May 29, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 29, 2022



Matagumpay na sinimulan ng Saint Clare College ang depensa sa kanilang kampeonato sa pagbubukas ng 20th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) matapos manaig sa Philippine Christian University, 69-60, noong Biyernes sa Novadeci Convention Center sa Novaliches.


Sa mga sumunod na laro, nagwagi ang AMA University sa Manuel L. Quezon University, 63-59, habang dinurog ng Our Lady of Fatima University ang Technological University of the Philippines, 62-39.


Mabagal ang simula ng Saints at umabante ang Dolphins sa pagtatapos ng first half, 40-27. Pinahabol nina kapitan John Edcel Rojas at rookie Gab Gamboa ang Saint Clare upang itabla ang iskor papasok sa 4th quarter, 51-51.


Malaking dagok sa PCU ang pagkawala ni sentro Yannick Dje na may 8 minuto pa sa orasan at lamang ang Dolphins, 57-52. Kinuha ng Saints ang pagkakataon at mula sa huling tabla na 60-60 ay ibinuhos nila ang magkasunod na 9 na puntos sa nalalabing 4 na minuto.


Nanguna si Rojas na may 14 puntos habang 11 puntos si Bam Lopez. Nag-ambag ng 7 puntos si Gamboa. Kinailangan ng bagong bansag na AMA Kings ang limang sunod-sunod na puntos ni Jasper Longalong upang malusutan ang Stallions. Bumanat ng tres si Longalong upang maagaw ang lamang, 57-55, at sinundan niya ito ng dalawang free throw at dalawa pa mula sa kakamping si Karl Tuquib upang itayo ang komportableng 61-55 lamang at 42 segundo sa orasan.


Magbabalik ang NAASCU sa Lunes, Mayo 30, tampok ang tapatan ng mga nagwaging AMA at Fatima sa parehong palaruan simula 3:30 p.m. Bubuksan ang aksyon ng unang laban ng ika-7 paaralan na Enderun Colleges kontra MLQU sa 2 p.m. at wawakasan ng paghaharap ng Saint Clare at TUP sa 5 p.m


Mga laro bukas Mayo 30 – Novadeci Convention Center


2:00 PM Enderun vs. MLQU; 3:30 PM Fatima vs. AMA; 5:00 PM St. Clare vs. TUP


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page