Search
  • BULGAR

Sabong at karera, balik-operasyon na

ni Lolet Abania | October 17, 2020



Balik na ang operasyon ng sabong matapos na payagan ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) o mas mababang klasipikasyon.


Subali’t sa isang resolusyon na inaprubahan kahapon ng IATF, ang mga lisensiyadong sabungan at nagsasagawa ng ganitong aktibidad ay kinakailangan pa ring sumunod sa mga health at safety protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


Gayunman, ang in-person audience, online o may pataya sa malalayong lugar at live broadcast ng pagsasabong ay ipinagbabawal.


Hindi naman nagbigay ng detalye ang IATF kung paano makakapanood ang publiko ng sabong. “The local government units shall have the final decision on whether the operation of licensed cockpits and conduct of cockfighting activities can proceed in their respective localities,” ayon sa IATF.


Gayundin, pinapayagan na ng IATF ang off-track horse race o karera ng kabayo na mag-operate sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) subali’t dapat na magsagawa ng health at safety protocols.


Samantala, maraming lugar na sa bansa ang isinailalim sa MGCQ. Ang Metro Manila, Batangas at siyudad ng Tacloban, Bacolod, Iloilo at Iligan ay nananatiling nasa GCQ hanggang October 31 habang ang Lanao del Sur ay nasa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.