ni Julie Bonifacio @Winner | Sep. 26, 2024
Dinepensahan si Arnel Pineda ng co-member niya sa Journey na si Deen Castronovo sa mga bashers ng Pinoy singer.
Umani ng batikos si Arnel pagkatapos ng kanyang performance with Journey sa Rio de Janeiro, Brazil recently. Nagkaproblema raw kasi si Arnel sa kanyang ear monitors kaya nahirapan siya na maabot ang tama at matataas na tono habang kinakanta ang signature song ng Journey, ang Don't Stop Believin’.
Dahil dito, nag-post si Arnel sa kanyang Instagram (IG) at nagbigay ng kanyang saloobin sa nangyari.
Part of his post, “It’s really amazing how one thousand right things you have done will be forgotten just because of THIS. And of all the places , it’s in Rock In Rio…
“Mentally and emotionally, I’ve suffered already, and I’m still suffering, but I’ll be ok.
“So, here’s the deal now. I am offering you a chance now (especially those who’ve hated me and never liked me from the very beginning) to simply text GO or STAY right here. And if GO reaches 1 million… I’m stepping out for good.”
In fairness, ang daming nag-comment ng stay and good words for Arnel na nabasa namin sa IG post niya.
Hindi rin pinabayaan si Arnel ng mga kasama niya sa Journey gaya ng drummer ng grupo na si Deen Castronovo na may mahabang post para ipagtanggol siya sa mga bashers.
Mensahe ni Deen, “I don’t do social media much, if at all anymore. My Social Media Manager, Karen, runs my sites and posts for me. So, I miss it a lot, unless it’s brought to my attention.
“Arnel has RISEN to the challenge of Journey’s catalog, NIGHT after NIGHT, YEAR after tiring YEAR! He gives to YOU ALL and Journey, the best that he can give you.
“Out of maybe a handful of shows in 17 years, Arnel has faced the facts. The voice is a BIOLOGICAL INSTRUMENT, subject to weather, fatigue, virus, bacteria, jet lag etc. Sometimes it DOES NOT, CANNOT or WILL NOT cooperate when needed. So, what’s the point of hammering a human being over something they have no control over?
“To the trolls, you are the blessed many. The ones who can armchair sing and trash the few that do what he does every night. They DO NOT have that luxury; they must BRING IT EACH and EVERY NIGHT or FACE YOU and your OVER INFLATED OPINIONS! If YOU can DO BETTER – then, DO IT!!
“I know very few who can pull off what Arnel does without ego and with passion and grace. BACK OFF TROLLS! You are MESSING with MY FAMILY NOW and I am A RABID PROTECTOR OF MY OWN!!!
“This is America, where everyone and anyone can voice their opinion. Consider this though when you do. Is it KIND? Is it TRUTH? Is it NECESSARY? We’ve all seen that meme, and it rings true here as it does anywhere it’s posted.
“To the people who GET IT, THANK YOU, we appreciate you!
“To the INEPT… PROVE IT and WALK IT or SHUT IT!”
Ang taray, ‘di ba?
Anyway, short but sweet naman ang mensaheng ipinost ng musician and singer-songwriter ng Journey na si Jonathan Cain bilang suporta kay Arnel.
Caption ni Jonathan sa kanyang IG post: “16 years and STRONG! You’re not going anywhere! Love you and grateful for you (praying and fire emoji).”
Kahapon ay may video na ipinost si Arnel sa kanyang IG.
Una ay nag-apologize siya sa mga fans ng Journey sa mga aberyang naidulot ng isyu ukol sa performance niya sa Brazil.
Sinabi rin niya na hindi perfect ang banda nila at may pinagdaraanan sila ngayon. Lahat naman daw ng banda ay may mga problema.
“But who’s not going through some bad stuff these days?” sey ni Arnel sa video.
Nabasa raw niya ang comments ng mga fans nila at nagpapasalamat siya sa magagandang mensaheng ibinigay para sa kanya.
“Here comes the good people to my rescue no matter what they’re going through, good or bad, soon as they saw my post quickly and bravely, they didn’t hesitate to send their kindness, sincerity topnotch generosity of their pleasure time just to express how genuinely caring and willing to fight for me, to reason with me,” pahayag pa ni Arnel.
There’s still so much good in this world pa rin daw and then he thanked God for being by his side.
So, there. Tuloy na tuloy pa rin ang journey ni Arnel Pineda sa bandang Journey for the rest of the band’s concert tour around the world this year.
NAGPAALAM na sa FPJ's Batang Quiapo (BQ) si Dante, ang karakter na ginampanan ng aktor na si Dan Alvaro, nitong Martes.
Sa episode 419 ng sikat na serye, matinding aksiyon ang naganap nang muling magharap ang grupo ng mga Montenegro at ni Don Facundo sa pangunguna naman ng kanang kamay nito na si Marcelo (Nonie Buencamino).
Sa bakbakan, namatay si Dante matapos mabaril ni Ramon Montenegro (Christopher de Leon).
Nagawa namang mabaril ni Marcelo ang ama ni Ramon na si Don Julio Montenegro (Tommy Abuel).
Sa socmed (social media), nagpasalamat at nagpaalam ang Dreamscape Entertainment sa karakter ni Dan Alvaro.
Matatandaang isa sa mga sikat na action stars si Alvaro noong 1980s na nakilala sa kanyang pagganap sa pelikulang Bagong Hari at Condemned kung saan nakasama niya ang batikang aktres na si Nora Aunor.
Mapapanood ang BQ sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.
Comments