Sablay ang pang-iismol ni Roque kay VP Leni!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 12, 2021
PANG-IISMOL NI ROQUE KAY VP LENI, SABLAY—Sablay ang pang-iismol ni Presidential spokesman Harry Roque kay Vice-Pres. Leni Robredo nang sabihin nitong kumandato na lang ang VP sa local election sa Camarines Sur dahil wala itong ‘chance’ manalo sa 2022 presidential election kasi baka dahil sa pang-iismol niya ay biglang magdeklara ang VP ng for president sa 2022 election.
At huwag masyadong matuwa si Roque sa naglalabasang survey na kulelat si VP Leni kasi hindi na pinapatulan ng mga tao ang mga political survey at napatunayan ‘yan sa eleksiyon sa Amerika, na sa mga survey ay palaging top si US ex-Pres. Donald Trump, pero sa paglabas ng resulta ng halalan, ang kulelat sa survey na si Joe Biden ang siyang nanalo at pangulo ngayon ng Tate, boom!
◘◘◘
PARA SA MGA MARCOS LOYALISTS, MAS MALAKAS NA KANDIDATO SI MARCOS KAYSA SA MANOK NI P-DUTERTE—Maging ang mga Marcos loyalists ay hindi makapaniwala sa mga survey na pinalalabas na walang panalo sa Presidential election si ex-Sen. Bongbong Marcos kasi si BBM ay may solid vote na higit 14-M, at kahit na higit 16-M ang bomoto kay P-Duterte noong 2016 presidential election, ang karamihan sa milyun-milyong bomoto sa kanya (Duterte) ay Marcos loyalists.
Sa social media nga, ang paniwala ng mga Marcos loyalist, mas malakas na kandidato sa pagka-pangulo si BBM kaysa sa sinumang magiging manok ni P-Duterte sa 2022 presidential election, period!
◘◘◘
GEN. SINAS, TATAKBONG SENADOR?—Pinapurihan ni Robin Padilla si PNP Chief Gen. Debold Sinas, na ayon sa aktor ay napaka-humble ng heneral.
Tila kapag nagretiro na sa serbisyo sa PNP ay papasok na rin sa pulitika si Sinas, at malamang ay for senator ang takbuhan nito, hmmm…
◘◘◘
KAPAG NANALO SA ELEKSIYON SINA SINAS AT REVILLAME, ANG SAYA-SAYA NA SA SENADO—Hinihimok ni P-Duterte ang TV host na si Willie Revillame na pumasok sa pulitika, at kung sakaling pumayag ito, malamang ay masama sa senatorial line-up ng Team Duterte.
Sakaling kapwa manalong senador sina Gen. Sinas at Revillame, sobrang saya na ng Senado kasi madaragdagan sila ng chubby senator at Wowowin senator, ha-ha-ha!





Comments