Sabaw daw, no match kina Zanjoe at Gerald…
- BULGAR

- Jan 21, 2021
- 2 min read
BF SA DILIM NI BEA, TINAWAG NA STARLET AT PINANDIRIHAN PA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 21, 2021

May bagong post ang tinatawag na "BF sa Dilim" ni Bea Alonzo na si Dominic Roque na aktong naglalakad sa isang gallery shop.
Isang netizen ang nagtanong kung nasaan ang rumored girlfriend niyang si Bea Alonzo.
“Sa'n na ba si Bea?” tanong nito.
Walang kaabug-abog at proud na sagot ni Dominic, “Kinukuhaan ako.”
Ang akala pa naman namin, maraming boto kay Dom para sa magandang aktres.
Sa kanilang mga komento, lumalabas na hindi sila pabor sa aktor para sa kanilang idolo.
“This starlet guy is like bond paper, he's so blank, not interesting at all. He's also super vain w/c is a major eww…"
“Hmmm 'di ko rin bet sa lalaki ang vain. Hindi ako comfortable, lagi akong mako-conscious sa mga galaw ko.”
“Ayoko sanang mag-judge (ginawa ko na, hahaha!) pero 'yung IG niya, puro lang pa-cute. Same face. Same pose. 'Di ko alam kung ano substance ni Dom. (Eh, wala rin naman ako sa posisyon mag-comment nu'n, 'di ba? Pero sinabi ko na, hmpf!)”
“I think that's part of his job. Baka kada post, may bayad.”
"Paano mo nasabing vain? I checked his ig. Nothing indicates vain there, 'di gaya nu'ng iba na panay ang post ng muscles nila.”
“Model kasi. Alagaan niya dapat ang katawan at mukha para tuluy-tuloy ang endorsements.”
“Ewan ko ba pero never nagkaroon ng appeal sa 'kin itong Dom na ‘to. I tried to Google him and found out si Bea lang pala ang nag-iisang babae na na-link sa kanya kahit kelan. Parang lumalabas tuloy, masyadong desperate si Bea, low standards lang.”
“Grabe naman kayo maka-hate. Hindi naman kayo inaano. Haha! Nag-check ako sa ig page niya, puro sponsored naman. It’s his job, bayad sila or pinadalhan ng products, so they need to post or endorse it.”
“Dalawa ang alam kong naging gf ni Dominic. Ano naman kung si Bea ang nag-iisang babae? Mas nakakatuwa na hindi mapaglaro si Dominic.”
“I happen to stumble upon this video of them ni Marco Gumabao and mukhang mysterious naman siya and ma-appeal. Even his friends have good things to say about him. I don't get the hate for him thou. I mean kung girlfriend ko si Bea, magiging proud din ako. I like him. And after ng issue ni Bea and his ex before, I think mas naka-move on nang madali si Bea also because of him.”
“Bakit kasi parang ikinahihiya ni Bea 'yung guy? Itinatago pa kung sila talaga. Both are single naman, so bakit hindi niya mailabas? Samantalang 'yung guy, kulang na lang, maglakad sa labas ng kalye na may hawak na placard saying GF niya si Bea.”
“Mas ok naman na 'yung lalaki ang proud kesa 'yung babae ang atat na atat mag-out sa relationship nila.”
“Ito naman kasing si Lola Bea n'yo, wala na bang ibang choice? Feeling ko, walang ibang nanliligaw kay Bea kaya kahit starlet, pinatulan na lang. Desperate situation calls for desperate moves.”
“Naawa naman ako kay Bea kasi 'yung mga kasabayan niya, ang bongga ng mga boyfriends, 'yung puwedeng ipagmalaki, pero 'yung napunta sa kanya, parang gusto mo na lang itago. Kaya I understand Bea if ayaw niyang ilabas kasi maraming madi-disappoint if ever.”





Comments