top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sa work-from-home, lugi negosyo

BULGAR
Mar 31, 2022
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | March 31, 2022


Nagkakainitan na nang todo ang US at Russia.


Tumitiktak nang mabilis ang nuclear clock.


◘◘◘


NATENGGA lang ang mga COVID vaccine.


Hindi kaya ito mag-expired?


◘◘◘


SOCIAL media pictures ang ginagawang panukat sa malakas na kandidato.


Tumatabo ang mga photoshop artist.


◘◘◘


MALAYO na ang naabot ng teknolohiya sa pangangampanya.

Kumpara sa 2019, ibang-iba na ang diskarte ngayon.


Sa 2025, lalong pambihira ang mga magaganap.


◘◘◘


PINIPIGIL ng gobyerno ang “work-from-home”.

Kontra kasi ito sa malusog na ekonomiya.


Magtatrabaho kasi ang mga obrero nang hindi umaalis ng bahay.


◘◘◘


KAPAG mayorya ng obrero ay naka-work-from-home, hindi makakarekober ang mga nagpaparenta ng gusali, kuwarto at iba pa.


Tutumal din ang mga negosyo sa transportasyon, karinderia at iba pang kaugnay nito.


◘◘◘


KAPAG kasi naka-WFH, puwedeng hindi na maligo ang mga obrero, hihina ang benta ng damit, pampaganda, barbershop parlor at iba pa.


Kasi’y ang mga tao ay puwedeng magtrabaho kahit nakapambahay lang.


◘◘◘


MAHIRAP pigilin ang WFH, kasi’y nakapasok na ngayon 'yan sa modernong kultura.


Kahit naman ang online class sa iskul ay maipapasok na sa kurikulum o sistema ng edukasyon.


◘◘◘


KAILANGAN nang baguhin ang Konstitusyon at iba pang regulasyon sa lipunan.

Inobasyon at pambihirang ideya ang kailangan ng gobyerno at pribadong sektor.


◘◘◘


KAILANGAN sa gobyerno ang modernong kaisipan ng mga kabataan imbes na kontrolin ito ng lipas nang utak ng matatanda.


Kailangan ang isang malawakan at napapanahong pagbabago sa ating lipunan.


◘◘◘


NASAPOL ng intuition ni dating Pangulong Marcos ang second millennium.

Kailangan natin ang isang “tunay na ganap na Bagong Lipunan”.


Magawa kaya 'yan ni BBM sakaling magwagi?


◘◘◘


DUMATING sa bansa ang mga ehekutibo ng SpaceX.


Ibig sabihin, makikipagsabayan na rin ang Pilipinas sa modernong teknolohiya.


◘◘◘


MATATALINO ang mga Pinoy kaya’t malaki ang tsansa na sorpresang magiging superpower ang ating bansa.


Iyan ay sa pasubaling hindi tayo sasakupin at guguluhin ng karatig bansa.


◘◘◘


HUMAN resources ang pinakamalaking kayamanan ng Pilipinas.


Iyan ay binubungkal at nililinang mismo ng sarili mong pagkatao—wala nang iba pa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page